^

Bansa

Iglesia ni Cristo inendorso na si Bongbong Marcos sa pagkapangulo

James Relativo - Philstar.com
Iglesia ni Cristo inendorso na si Bongbong Marcos sa pagkapangulo
Members of the influential church Iglesia ni Kristo (Church of Christ) hold a protest at a busy highway in Manila on August 30, 2015. According to local news reports the protesters are against the filing of an illegal detention case by expelled church minister against eight leaders of the Christian sect.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines (Updated 7:46 p.m.) — Pormal nang susuportahan ng pamunuan ng maimpluwensyang relihiyong Iglesia ni Cristo ang kandidatura ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa pagkapresidente.

Ang anunsyo ay inere, Martes, sa Net25 na kilalang pagmamay-ari ng Eagle Broadcasting Corporation — na siyang kunektado sa INC.

Maliban kay Marcos, kasama ring inendorso ng INC sina:

  • Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (bise presidente)
  • Jejomar "Jojo" Binay Jr. (senador)
  • Alan Peter Cayetano (senador)
  • JV Ejercito (senador)
  • Guillermo Eleazar (senador)
  • Francis "Chiz" Escudero (senador)
  • Jinggoy Estrada (senador)
  • Sen. Sherwin Gatchalian (senador)
  • Loren Legarda (senador)
  • Robin Padilla (senador)
  • Sen. Joel Villanueva (senador)
  • Mark Villar (senador)
  • Sen. Migz Zubiri (senador)

Nagpasalamat naman sina BBM at Inday Sara, na parehong tumatakbo sa ilalim ng UniTeam Alliance, sa nakuhang suporta mula sa naturang sektang may milyun-milyong miyembro sa Pilipinas at sa ibayong dagat.

"Ako po at ang aking pamilya, sampu ng buong alyansang nakapaloob sa UniTeam, ay labis na nagagalak at buong pusong nagpapasalamat sa suportang inihayag ng kapatirang Iglesia Ni Cristo, sa pangunguna ng inyong Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid Eduardo V. Manalo," wika ni Bongbong sa isang pahayag.

"Ang pagpili sa amin ni Apo Bongbong Marcos bilang mga kandidato  na kanilang sinusuportahan sa pagkapresidente at bise presidente sa darating na halalan ay isang malaking karangalan na may kaakibat na hamong nakatuon sa aming kakayahang mapag-isa ang bansa. Mapagbuklod ang mga Pilipino at maitawid and sambayanan sa krisis na dulot ng pandemya," banggit naman ni Sara, na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sisikapin din daw nilang "magbubunga" ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng INC para mapagkaisa ang mga Pilipino.

Matagal nang bulung-bulungan ang naturang pag-endorso ngunit ngayon lang opisyal na ipinahayag.

Matatandaang ikinasa ang proclamation rally ni Bongbong sa Philippine Arena, na pinag-mamayarian ng naturang religious group, noong Pebrero. Gayunpaman, itinanggi ng kampo nina Marcos na nakakuha na sila ng pag-endorso noon mula sa INC.

Kamakailan lang nang sabihin ni presidential candidate at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na umaasa siyang makuha ang pag-endorso ng INC.

Kilala ang nasabing relihiyon sa kanilang gawi ng "bloc voting" tuwing eleksyon, kung saan hinihikayat ang kanilang kasapiang iboto rin ang sinumang susuportahan ng kanilang pamunuan.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

IGLESIA NI CRISTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with