MANILA, Philippines — Liyamado pa rin at hindi gumagalaw sa 56% si presidential candidate at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa panibagong survey ng Pulse Asia, bagay na isinapubliko isang linggo bago ang May 9 elections.
Ang naturang pag-aaral ay isinagawa ng mga mananaliksik mula ika-16 hanggang ika-21 ng Abril gamit ang harapang panayam sa 2,400 katao mula Metro manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Related Stories
- Marcos, Bongbong (56%)
- Robredo, Leni (23%)
- Pacquiao, Manny (7%)
- Domagoso, Isko Moreno (4%)
- Lacson, Ping (2%)
- Abella, Ernie (1%)
- Mangondato, Faisal (1%)
- De Guzman, Leody (0.3%)
- Gonzales, Norberto (0.1%)
- Montemayor, Jose Jr. (0.1%)
"If the May 2022 elections were held during the survey period (16-21 April 2022), 56% of likely voters with valid responses... would elect former Senator Ferdinand Marcos, Jr. as the next Philippine president," wika ng survey firm sa isang pahayag kanina.
"[P]residential voter preferences are essentially constant between March 2022 and April 2022."
Matatandaang 56% din ang nagsabing iboboto nila si Marcos sa survey na kanilang ikinasa noong Marso.
Nanatili naman sa ikalawang pwesto si Bise Presidente Leni Robredo sa pre-election survey na inilabas, Lunes, ngunit bahagyang dumulas sa 23%. Bumagsak naman patungong ikaapat si Manila Mayor "Isko Moreno" Domagoso matapos daigin ni Sen. Manny Pacquiao.
Una nang umakyat patungong 24% ng likely voters ang boboto kay Robredo sa nakaraang survey.
Nangyayari ang lahat ng ito kahit sinasabing 400,000 supporters ang bumuhos sa campaign rally ni VP Leni sa Pasay mahigit isang linggo na ang nakalilipas.
Robredo camp optimistiko pa rin
Sa kabila ng 1% na pagbaba at malaki-laki pang agwat sa karibal na si Marcos, nananatiling positibo ang kampo nina Robredo na may laban pa rin sila sa darating na ika-9 ng Mayo.
"Her numbers remain encouraging, even if the survey does not yet capture the series of massive rallies from mid April onwards, including the record breaking 400k+ Pasay Rally on April 23," ani Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo.
"The remaining weeks of the campaign have seen intensified efforts at house-to-house, person to person campaigning by thousands of volunteers, which we believer will translate to support on election day."
Robredo's spokesperson Barry Gutierrez says VP's numbers "remain encouraging" as they show her "upward trajectory and momentum." He adds survey has not captured series of massive rallies for Robredo, including the one in Pasay City @PhilstarNews pic.twitter.com/r1pxpk3qtz
— Xave Gregorio (@XaveGregorio) May 2, 2022
Naniniwala rin silang naging kampanya na ito ng taumbayan, bagay na nilalahukan na raw ng sari-sari mula sa iba't ibang saray ng lipunan.
Sara ng UniTeam nangunguna pa rin
Nananatili naman sa unang pwesto ang vice presidential running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte, na lagpas kalahati rin ng likely voters ang nakuha:
- Duterte, Sara (55%)
- Sotto, Vicente Tito (18%)
- Pangilinan, Kiko (16%)
- Ong, Doc Willie (3%)
- Lopez, Manny (1%)
- Atienza, Lito (0.5%)
- Bello, Walden (0.4%)
- Serapio, Carlos (0.3%)
- David, Rizalito (0.1%)
"Sharing the second spot are Senate President Vicente Sotto III (18%) and Senator Francis Pangilinan (16%). Across areas, the voting figures of these lawmakers range from 6% to 25% for Senate President Sotto and from 8% to 29% for Senator Pangilinan,"m sabi pa ng Pulse Asia.
Ang naturang pre-election survey ay isinagawa ng Pulse Asia Research sa sarili nitong pagkukusa at hindi kinomisyon ng ibang personalidad o organisasyon. — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio