Pahalik sa imahe, kinontra ng DOH
MANILA, Philippines — Kontra ang Department of Health (DOH) sa nais ng ilang simbahang Katolika na ibalik ang tradisyunal na pahalik sa mga relihiyosong imahe ngayong panahon ng Semana Santa dahil hindi pa umano ganap na ligtas laban sa COVID-19.
Bukod dito, umapela rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga katoliko sa pagpapapako sa krus bilang bahagi ng kanilang penitensya para mabawasan ang kasalanan.
Sa isang media forum nitong Martes, pinaalalahanan ni Vergeire ang mga Katoliko na maaaring maipasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplets kaya’t dapat munang iwasan ang pagpapatupad ng mga ganitong aktibidad para maiwasan ang muling pagtaas ng mga bagong kaso ng impeksyon.
Sa pagpapapako sa krus, matagal nang ipinapayo ng DOH sa mga deboto na itigil ito dahil sa maaaring masamang epekto sa kalusugan tulad ng pagkakasakit ng tetano mula sa mga pako na gagamitin at iba pang impeksyon kung mali ang tatamaan ng pako.
May iba pa naman umanong mga pamamaraan upang maipakita ang debosyon ngayong Mahal na Araw.
- Latest