^

Bansa

'Realistic option': Robredo opisyal nang inendorso ng dating partido ni Lacson

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Binitiwan na ng Partido para sa Demokratikong Reporma ang suporta sa dati nilang chairperson na si presidential candidate Sen. Panfilo "Ping" Lacson para ibato ang kanilang suporta sa kandidatura ng katunggali ng huli na si Bise Presidente Leni Robredo.

Ganito ang ipinahayag ni Partido Reporma president at dating House Speaker Pantaleon Alvarez, Huwebes, kahit na iginigiit nilang si Lacson sana ang "ideal" at "pinaka-qualified" na presidente sa mundo ng mga dapat.

"[T]he electoral terrain in 2022 is far from ideal, and fate had other plans. Time and context framed the narrative of 2022 in a way that gave traction, rightly or wrongly, to other candidacies instead. This is a difficult fact which takes courage to admit," ani Alvarez kanina.

"We reasonably believe that the only realistic option at this point, with roughly a month and a half left, is to converge with Leni Robredo’s campaign. Together, we will pursue the realization of our collective aspirations to improve the chances of ordinary Filipinos at a better life."

 

 

Sa huling Pulse Asia survey nitong Pebrero, lumalabas na nasa ikalawang pwesto si Robredo (15%) pagdating sa mga presidentiables habang nasa malayong fifth place si Lacson (2%). Si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na anak ng napatalsik na pangulo, ang nananatiling numero uno sa surveys.

Kanina lang nang mag-resign bilang chairperson at miyembro ng Partido Reporma si Lacson, dahilan para maging independent candidate na lamang. Kasama niya si Senate President Vicente "Tito" Sotto III habang isinasapubkliko ang pagbibitiw.

 

 

Wala naman daw sama ng loob si Lacson kina Alvarez sa kanilang desisyon, ngunit itutuloy pa rin ang kanyang laban na tumakbo sa pagkapresidente.

"In the face of these recent developments, allow me to say: like a true-blooded warrior that I am all my life, I will continue this fight in pursuit of my quest to serve my country and our people, as your chief executive — if God and the Filipino people will it, come May 9, 2022," sabi ng senador.

Aminado naman si Alvarez na hindi "pink" (kulay ni Robredo) ang kanilang kasapian, ngunit mga repormista raw silang nagtitiwala kay VP Leni sa ngayon.

"The Reporma members and officers concerned, they positively, but realistically, view the opportunity to help ensure that the Leni Robredo campaign is strengthened and further represented by additional sectors of society, especially from those in Mindanao - our home - which runs the risk of being neglected again when President Rodrigo Duterte steps down from office," ani Alvarez, na kinatawan din ng unang distrito ng Davao del Norte.

Taong 2021 pa lang nang sabihin ni Robredo, na pambato ng oposisyon, na kinausap nila sina Lacson, Sotto at Sen. Richard Gordon para bumuo ng "malawak na alyansa" para sa eleksyong 2022. Gayunpaman, nabigo ito. 

Ilang Reporma members kumalas din, Lacson dadalhin

Ilang miyembro naman ng Partido Reporma ang nagpahayag ng kanilang resignation mula sa grupo kasabay ng pagbibitiw ni Lacson at paglipat ng suporta ng partido kay Robredo.

Ilan na rito ang tagapagsalita ng Partido Reporma na si Ashley Acedillo at chairperson ng partido sa Cavite na si Rafael Rodriguez.

"I shall continue, henceforth, to support and campaign for Ping Lacson in his campaign for the Presidency as his Official Spokesman," ani Acedillo.

Kasama ni Rodriguez na kakalas ang "lahat ng district at municipal/city chairmen" mula sa kani-kanilang posisyon sa partido.

Pare-pareho rin nilang susuportahan ang independent presidential bid ni Lacson.

"Despite this party separation, we shall, however, remain together in our dream of a better Philippines. Thank you and best regards," ani Rodriguez.

Bakit nangyayari ngayon?

Ayon sa analyst na si UP Political Science Associate Prof. Jean Franco, ang mga pagbabagong ito ay tanda ito ng re-alignments na nangyari bago ang eleksyon lalo na't nagtatalu-talo ang mga lokal na pulitiko para mapanatili ang kanilang poder sa kanya-kanyang lugar.

"These developments indicate that re-alignments are already happening in the run up to the elections," wika ni Franco sa panayam ng Philstar.com.

"This also means that in synchronized elections, it is difficult to strengthen political parties given that local politicians or whoever they are supporting in their areas are also fighting for survival on the ground."

Matagal nang nababatikos bilang "mahina" at "hindi batay sa pilosopiya" ang sistema ng karaniwang mga partido pulitikal sa Pilipinas, maliban pa sa pamamayani ng political dynasties sa iba't ibang probinsya. — may mga ulat mula kay Angelica Yang

2022 NATIONAL ELECTIONS

LENI ROBREDO

PANFILO LACSON

PANTALEON ALVAREZ

PARTIDO REPORMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with