MANILA, Philippines (Updated 12:15 p.m.) — Inendorso na ng ruling administration party na PDP-Laban — na co-founded ni dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr. — ang kandidatura ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa pagkapangulo.
Ito ang inanunsyo ng PDP-Laban faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi, partido pulitikal ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa isang Facebook live stream ngayong Martes.
Related Stories
Ang resolusyon pagdating sa pag-endorso ay kumpirmado na rin ng resolusyong inilabas ng PDP-Laban.
JUST IN | PDP-Laban led by Energy Sec. Alfonso Cusi endorses former senator Bongbong Marcos for president in the 2022 elections. #BilangPilipino2022 (via @PhilippineStar/@edupunay) pic.twitter.com/DP95BjJ2IO
— ONE News PH (@onenewsph) March 22, 2022
"[A]fter careful and exhaustive deliberations the National Executive Committee endorses the candidacy of Senator Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. for President of the Republic of the Philippines [in] the forthcoming 2022 National Elections," ayon sa resolusyong pinirmahan ni Cusi na pinetsahang ika-21 ng Marso.
"[H]e is the candidate whose vision of governance is most aligned with PDP-Laban's 11-point agenda... to promote 'Unity for Sustainability' of socio-economic development and national progress."
"We appreciate deeply the PDP-Laban’s kind endorsement of presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr," wika ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez kanina.
"The trust it placed in him inspires us beyond measure, for it signals that our message of national unity is gaining ground."
Wika nina Rodriguez, natutuwa sila sa pagsali ng PDP-Laban sa "bandwagon of support" sa BBM-Sara UniTeam, habang nagmamatyag sa ugong-ugong na magkakaroon ng dayaan sa parating na eleksyon.
Kahit na nangunguna si Marcos sa surveys ng Pulse Asia, aminado silang hindi sila maaaring maging kampante lalo na't "maraming pwersang" nagtutulong-tulong na mapabagsak sila.
"Again, we thank PDP-Laban for joining the crescendoing chorus of national unification as we call on our supporters not to blink, not yet, for victory may only be claimed when votes have already been cast and every ballot counted on election day," dagdag pa ng kampo ni BBM.
"Mabuhay and pagkakaisa! Sama-sama tayong babangong muli!"
Statement of Vic Rodriguez, Bongbong Marcos’ spokesperson, on PDP-Laban endorsement: “The trust it placed in him inspires us beyond measure, for it signals that our message of national unity is gaining ground.” @PhilstarNews pic.twitter.com/49CrJ97Rla
— Kristine Patag (@kristinepatag) March 22, 2022
Ngayon lang pinangalanan ng partido ang sususportahan nila sa pagkapangulo kahit na Marso pa lang ay inendorso na nila si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, bise presidente ni Marcos sa ilalim ng UniTeam Alliance.
Si Duterte-Carpio ay anak ni Digong, na usap-usapang may iringan kay Bongbong. Pinaghihinalaan kasi nang marami na si BBM, anak ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang presidential candidate pinariringgan noon ni Duterte na "cocaine user," "weak leader" atbp.
PDP-Laban origins anti-Marcos
Nangyayari itong lahat kahit na ang PDP-Laban — na pagsasanib ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) at Lakas ng Bayan (LABAN) — ay itinayo laban sa diktadurang Marcos. Isa si Aquino sa mga co-founders nito.
"With this latest action from Sec Cusi and his cohorts, they have manifested that they are total strangers to PDP LABAN," wika ni Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III kanina, na tumatayong chairperson ng PDP-Laban Pacquiao faction.
"They don’t even know that PDP LABAN was established to oppose the Marcos dictatorship. Time for Comelec to dismiss the petition of these usurpers!"
Hindi pa naman malinaw kung nakuha rin ni Marcos Jr. ang pag-endorso ni Duterte. Nauna nang sinabi ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso at Bise Presidente Leni Robredo na bukas sila sa ideya ng pag-endorso sa kanila ng presidente.
Una nang sinabi ni PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag na sa ika-25 ng Marso pa makapaglalabas ng desisyon ang partido kung sino ang kanilang ieendorso.
Kasalukuyang nag-aaway ang dalawang kampo ng PDP-Laban kung sino ba talaga ang tunay na liderato sa loob nito. Parehong iginigiit nina Cusi at 2022 presidential candidate Sen. Manny Pacquiao na sila ang presidente ng partido. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at The STAR/Edu Punay