Robredo camp nakahanda sa mas marami pang ‘dirty tricks’ ng kalaban

Vice President Leni Robredo launches her presidential campaign in her hometown of Naga City on Friday, February 8, 2022.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Inaasahang mas ­darami pa ang “dirty tricks” at propaganda ng mga katunggaling partido kaya nakahanda ang kampo nina Vice President Leni Robredo at running mate na si Senador Francis “Kiko”Pangilinan.

“Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial aspirant Alex Lacson.

“Tradisyunal at lumang istratehiya na ang hilahin pababa ang mga kalaban sa politika,” sabi ni Lascon na pinatutungkulan ang “red-tagging” at iba pang black propagandang ibinabato kay Robredo.

“Maliwanag na ‘yan ay propaganda,” aniya. “Wala silang ;mahanap sa aming kandidatong si VP Leni, sa kanyang pagkatao, sa kanyang track record, kaya maghahanap ng ibang issue,” dagdag ni Lacson.

Sabi naman ng dating kongresista na si Teddy Baguilat, na kandidatong senador sa ilalim ng hanay ni Robredo, noong 2016 nagsimula ang mga “dirty tricks” at paninirang ipinupukol para ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na usapin.

Binigyan-diin ni Baguilat na “walang alyansa” sa pagitan ng kampo ni Robredo at mga rebeldeng komunista ngunit tiniyak niyang bukas ang susunod na pangulong Robredo na “ituloy ang usapang pangkapayapaan.”

Sinabi ni Baguilat na patunay ang dami ng taong pumupunta at sumusuporta sa mga political rallies ni Robredo na hindi epektibo ang ginagawang paninira ng mga kalaban.

Sabi naman ng da­ting kongresista na si Erin Tañada at campaign manager ng senatorial slate ng Robredo-Pangilinan camp, na kung referendum ang attendance sa mga political rally, “tukoy at alam na ng mga kalaban ni VP Leni na lumayo na sa kanila ang publiko.”

Show comments