MANILA, Philippines — “Service that matters, Lingkod Pag-IBIG, Always in All Ways.
Ito ang tema ng 2021 Pag-IBIG Chairman’s Report Fund ni Chairman Eduardo del Rosario kahapon. Ang Chairman’s Report ay pinasimulan dakong alas-2:00 ng hapon na dinaluhan ng mga matataas na opisyal gobyerno, Pag-IBIG board of trustees, empleyado at maraming miyembro ng Pag-IBIG.
Bunsod ng nararanasan pa ring pandemya sa COVID-19 kaya isinagawa ang ulat ni Chairman del Rosario sa pamamagitan ng Virtual o Online.
Ang Chief Execitive Officer ng Pag-IBIG na si Acmad Rizaldy Moti ang siyang nagbigay ng mainit na welcome remarks matapos ang taimtim na panalangin at pambansang awit.
Sa pamamagitan ng audio-visual presentation ay ipinakita ang mga natatangi at mga naging matagumpay na accomplishment ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng liderato ni Chairman del Rosario.
Iniulat nito na matatag ang kalagayan pam-financial ng Pag-IBIG Fund sa kabila ng halos dalawang taon ng dumaranas ng pamdemya sa COVID-19 ang bansa. Ayon kay del Rosario, sa kabila ng pandemya ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga miyembro ng Pag-IBIG na nag-avail ng loan o utang para pangtustos sa pangangailangan ng pamilya ng bawat miyembro.
Aniya, nasa 13.69-milyon na ang miyembro ng Pag-IBIG na tumaas ng 7.2 percent.
Iniulat din ni del Rosario na nasa 63.69-bilyon piso ang membership savings sa ngayon na pinakamataas sa buong kasaysayan ng Pag-IBIG.
Sa housing loan ay nasa 94,533 na miyembro ang natulungan na magkaroon ng sariling tahanan at umaabot sa 97.3 bilyon piso ang loan takeout.
Nakapag-isyu na rin ng kabuuang 8.4-milyong Loyalty card ang Pag-IBIG na may 361 partner merchant.
Iniulat din ni del Rosario na nasa 99 percent ng bakunado ang lahat ng empleyado nila na patuloy na nagbibigay ng tapat na serbisyo mula sa puso.
Dahil sa hindi matawarang serbisyo sa kabila ng pagsubok na kinakaharap ng bansa ay ginawaran ang Pag-IBIG bilang Gold Stevie Award na may 89-percent Most Trusted Government Agency sa bansa.
Marami pang iniulat na accomplishment si del Rosario na naisagawa nito kahit may krisis na kinakaharap ang bansa.
“Partida pa dahil nagawa ito kahit may pandemya,” ani del Rosario Binigyan din ng pagkilala o recognition ang mga nangungunang kumpanya sa bansa o top stateholders ng Pag-IBIG.
Matapos ang ulat ay nagkaroon ng virtual photo opportunity at news conference. Samantala, iniulat din ni del Rosario ang Pag-IBIG regular saving ay may 5.16 percent dividend rate habang ang MP2 ay 5.66 percent.