MANILA, Philippines — Isang araw bago ang ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolt na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, inendorso ng ilang framers ng Saligang Batas ang kandidatura nina presidental at vice presidential candidates Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan.
Ilan sa mga lumagda sa naturang pahayag, na inilabas ngayong Huwebes, ay sina:
Related Stories
- Felicitas Aquino-Arroyo
- Teodoro C. Bacani
- Florangel Rosario Braid
- Hilario G. Davide Jr.
- Edmundo G. Garcia
- Christian S. Monsod
- Rene V. Sarmiento
- Jaime S.L. Tadeo
- Wilfrido V. Villacorta
"[W]e wish to state with all conviction that, among the candidates for President, Vice-President Leni Robredo best embodies the principles and values found in the Basic Charter of the land," wika ng siyam sa isang statement ngayong araw.
"We believe that the ideals articulated by the tandem of Vice-President Leni Robredo and Sen. Kiko Pangilinan indeed strongly conform to the imperatives expressed in the Basic Charter that we worked on and presented to the people during the education campaign we conducted across the country; subsequently, our people resoundingly ratified the Constitution on February 2, 1987."
Ayon sa kanila, ang mga kaganapan noong 1986 sa pag-aalsang EDSA ang dahilan kung bakit nag-draft ng panibagong Saligang Batas para sa Pilipinas, ito matapos ang masalimuot na Martial Law ni Marcos kung saan 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay. Maliban pa iyan sa perang ninakaw ng diktadura mula sa kaban ng bayan.
Dagdag pa nila, hinihingi ng konstitusyon ang pagsunod sa Bill of Rights, pagrespeto sa pagiging co-equal ng lehislatura, ehekutibo at hudikatura, constitutional commissons, atbp.
"Vice-President Leni Robredo’s record of public service, as well as that of Senator Kiko Pangilinan, demonstrate their competence, capabilities and the qualities of servant leaders who can inspire generations of our people to bring our country to its greatness," paliwanag pa nil
"VP Leni’s life-long advocacies as a lawyer serving the poor and as an economist focusing on inclusive efforts to uplift the lives of those on 'the fringes' of society provide a testament to her singular dedication to address the main challenges our country now confronts: poverty and inequality. And she embodies the constitutional vision of leaders who live modest lives and are transparent in the use of the powers of office."
Inalala rin ng siyam ang iba pang bahagi ng 1986 Constitutional Commission pumanaw bago nila pirmahan ang nasabing pag-endorso, gaya na lang nina dating Commission on Human Rights chair Chito Gascon atbp.
Inilabas nila ang nasabing pag-endorso ngayong tumatakbo rin sa pagkapangulo si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na anak ng diktador na pinatalsik ng EDSA People Power.
Miyerkules lang nang maglabas ng suporta para sa tambalang Robredo-Pangilinan ang pamunuan ng Couples for Christ (CFC). Samantala, nauna nang nagpaabot ng kanilang pag-endorso sa opposition candidates ang 16 dating opisyal ng gobyerno at mga dating presidente ng Philippine Bar Association.