Bagong Henerasyon partylist, pasok sa ‘winning circle’
MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera na isa ang kanyang grupo, ang BH Bagong Henerasyon Party-list sa mga napupusuan ng mga botante para sa halalan sa Mayo.
Base sa survey ng RP Mission and Development (RPMD) Foundation, Inc. mula Enero 22-30, sa kabuuang 40 partylist organizations na pinapaboran ng publiko, pumuwesto sa ika-25 ang Bagong Henerasyon Party-list.
Nakopo ng partido ang 1.68% ng resulta, na nangangahulugang sigurado na ang isang posisyon para sa kanila sa Kongreso.
Ani Herrera, pinatutunayan lamang ng resulta ng naturang survey ang malakas na suporta ng publiko sa BH Partylst dahil sa ipinakitang husay at serbisyo ng partido bilang lingkod-bayan.
Matatandaan na ang RPMD rin ang polling company na nagdeklara kay Herrera bilang top performing partylist lawmaker sa National Capital Region noong Setyembre 2021.
Binigyang-diin ng RPMD na nanguna si Herrera sa limang best performing partylist representatives dahil sa nakuha nitong job approval rating na 71 percent.
- Latest