^

Bansa

Robredo handa imbestigahan mga 'kaalyado ni PNoy' sa PDAF scam

James Relativo - Philstar.com
Robredo handa imbestigahan mga 'kaalyado ni PNoy' sa PDAF scam
File photo ni 2022 presidential candidate Vice President Leni Robredo
Released/Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Iginiit na Bise Presidente Leni Robredo na hindi pa siya handa "mag-move on" sa kinahinatnan ng bilyun-bilyong Pork Barrel Scam lalo na't maraming hindi nanagot — ito habang idinidiing hahabulin niya kahit mga kakampi ng kapartidong si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kaugnay pa rin ito ng P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles at ilang mambabatas, isyung pumutok noong nanunungkulan pa ni Noynoy na kasama ni VP Leni sa Liberal Party.

"Kasama [ni Noynoy], hindi kasama, kalaban, kakampi, wala tayong kikilingan," paliwanag ni Robredo sa presidential candidates forum ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, Biyernes.

"Kasi oras na may kinilingan tayo, magiging failure na lahat. Kapag may pinaboran tayong isang grupo, magiging failure na ring lahat ng ginagawa natin. Dito nakasalalay 'yung tiwala ng taumbayan."

 

 

Taong 2017 lang nang pangalanan ng kampo ni Napoles sina Sen. Leila de Lima, Sen. Franklin Drilon, dating Sen. Antonio Trillanes IV at dating Budget Secretary Florencio "Butch" Abad na may kinalaman diumano sa pork scam.

Ito'y kahit na hindi pa bahagi ng Congress si De Lima mula 2007 hanggang 2009 — taong saklaw ng kaso — dahilan para hindi siya mabigyan ng PDAF noon.

Sina De Lima at Trillanes ay kilalang bahagi ng 2022 senatorial slate ni Robredo at 1Sambayan. 

"Hindi pa tayo ready mag-move on kasi marami pang mga kaso ang wala pang resolusyon," patuloy ni Robredo.

Ilan sa mga nakulong na senador kaugnay ng pork barrel scam sina Sen. Bong Revilla, dating Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Juan Ponce Enrile. 

Gayunpaman, in-acquit si Revilla sa 16 PDAF graft cases kaugnay nito. Patuloy pa rin naman ang mga kaso sa ngayon nina Estrada at Enrile sa ngayon, habang nag-eenjoy ng pansamantalang kalayaan matapos magbayad ng piyansa.

'2022 candidates sa PDAF scam'

Habang nagpapatuloy ang mga kaso kaugnay ng pork barrel scam, ilan pa sa ikinaiinis ni Robredo ang pagtakbo pa nga ng ilan sa mga akusado sa 2022 elections na parang walang nangyari.

"In fact, meron ngang mga kumakandidato, not just sa national, pati sa lokal, na na-involve dito sa issue ng PDAF and sa akin talaga kailangan we get to the bottom of this. Kasi kung walang resolution ito, paulit-ulit talaga siyang mangyari," dagdag pa ng bise.

"Pagkatapos ng proseso, siguraduhin na mananagot 'yung dapat managot kasi kapag hindi ito mangyayari walang deterrent eh... So kailangan talaga 'yung justice system ayusin natin."

Si Jinggoy, anak ng na-oust na si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, ay kumakandidato ngayon sa pagka-senador sa ilalim ng slate nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

2022 NATIONAL ELECTIONS

LENO ROBREDO

LIBERAL PARTY

NOYNOY AQUINO

PORK BARREL SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with