^

Bansa

PNP-CIDG iniimbestigahan na ang pagkawala ng 20 sabungero

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang insidente ng pagkawala ng 20 sabungero .

Ayon sa CIDG, may 10 sabungero ang nawawala mula sa Laguna at Maynila at 10 sabungero rin mula sa Bulacan.

Sinabi ng CIDG na pinapaigting na nila ang kanilang imbestigasyon sa mga nawawalang indibidwal.

Base sa impormasyong natanggap, mahigit walong buwan nang nawawala ang 10 sabungero sa Bulacan at nanggaling din umano sila sa kaparehong cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna na pinuntahan din ng ibang sabungerong nawawala.

Nabatid na unang na­paulat ang apat na sabungerong nawawala sa Sta. Cruz noong January 13.

Sinundan ito ng isa pang insidente ng anim na sabungerong nawala sa Maynila sa kapareho ring araw.

Nabatid naman kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, sinisilip na nila ang pattern sa insidente.

Inaalam din nila kung may sindikato nga ba sa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

vuukle comment

PNP-CIDG

SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with