‘#LeniAngatSaLahat’ No. 1 worldwide trending topic sa Twitter

MANILA, Philippines — Naging No. 1 trending topic sa buong mundo ang #LeniAngatSaLahat sa Twitter sa kasagsagan ng panayam ni talk show host Boy Abunda kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo noong Miyerkules ng gabi.

Ang nasabing hashtag ay nakakuha ng mahigit 166,000 tweets kung saan pinuri ng mga netizens si Robredo sa kanyang malinaw at eksaktong mga sagot sa iba’t ibang isyu, partikular na tungkol sa pandemya, muling pagbangon ng ekonomiya at drug war.

Pinuri rin ng mga netizen si Robredo sa pagpapakita nito na siya ang pinakakuwalipikado sa mga kandidato sa pagkapangulo dahil sa paglalatag niya ng mga kongkretong solusyon sa mga problema ng bansa.

“Despite all the interruptions, she was able to articulate her answers well. Her responses were clear, concrete and experienced based. She is confident, knowledgeable and speaks from heart. My President is ready!” wika ni Twitter user @R4FFYM.

“VP Leni Robredo res­ponses were not only bold but also substantive & methodical. She’s data-driven, delivery-oriented & transparent. She answered based experiences & best practices. Im proud & loud that she’s my President,” dagdag naman ni @JerrydaOptimist.

“I am proud to say. My whole family supports  VP Leni Robredo. My President for 2022,” wika ni @suigeneris_21.

Maliban sa #LeniAngatSaLahat, ginamit din ng netizens ang iba pang hashtags gaya ng #LetLeniSpeak at #AbundaBiased dahil sa paulit-ulit na pagputol ni Abunda kay Robredo habang sinasagot nito ang kanyang mga tanong.

Show comments