^

Bansa

Ospital na may ICU, dagdagan sa malalayong lugar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ospital na may ICU, dagdagan sa malalayong lugar
Ito ang sinabi ni Atty. Gelo Tapales ng grupong ACT As One na ngayon ay tumatakbo bilang partylist sa Kongreso, na nagsabing isa sa prayoridad nila ang pagpasa ng panukalang batas na bubuo ng mas maraming ospital na may ICU sa kanayunan.
AFP / File

MANILA, Philippines — Sa tuluy-tuloy na banta ng pandemya, nararapat lang na magdagdag ng mas maraming Level 2 na pampublikong pagamutan na kayang tumanggap ng malubhang kaso ng COVID sa mga lugar na wala nito.

Ito ang sinabi ni Atty. Gelo Tapales ng grupong ACT As One na ngayon ay tumatakbo bilang partylist sa Kongreso, na nagsabing isa sa prayoridad nila ang pagpasa ng panukalang batas na bubuo ng mas maraming ospital na may ICU sa kanayunan.

Aniya, ang kasalukuyang pagbaha ng mga kaso ng Omicron variant ay patunay lamang na kailangang pang palakasin ang mga medical frontlines lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.

“Ilang malulungkot na kwento na ang ­ating narinig tungkol sa mga kababayan nating binawian ng buhay sa daan o sa biyahe patungo sa isang ospital na malayo sa kanyang tirahan? Ang iba ay sa bangka pa nalalagutan ng hininga habang tinatawid ang karagatan para lamang magpa-ospital,” ani Tapales.

“Kaya ang aming panawagan sa ACT As One, magdagdag ng mas maraming pampublikong ospital na may kakayahang lunasan ang mga severe na cases ng COVID at iba pang sakit. Investment na rin ito sa kalusugan ng mga mamamayan at sa pangangalaga sa kapakanan ng maliliit na komunidad sa bansa,” dagdag niya.

ICU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with