^

Bansa

‘No vaxx, no ride’, isang diskriminasyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa umanong uri ng diskriminasyon at hindi makatarungan ang “No Vaccination, No Ride” policy laban sa unvaccinated passengers dahil wala pa naman umiiral na batas na nag-aatas na gawing mandatory ang pagbabakuna.

“Bagaman kaisa ang aming partido sa paghikayat sa publiko na magpabakuna, hindi naman ito compulsory o mandatory. Kaya masasabi natin, walang batas na nalalabag kung hindi ka magpapabakuna,” ayon sa tagapagsalita ng PASAHERO Party-list na si Atty. Homer Alinsug.

Giit pa niya na ang pagpapabakuna ng isang indibiduwal ay sarili niyang desisyon at hindi ibinase sa batas kaya huwag naman i-discriminate ang mga unvaccinated sa pagsakay sa mga public transport.

Reaksyon ito ng PASAHERO matapos ipalabas ng Department of Transportation ang “no vaccination, no ride” policy na ipatutupad sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon patungo, mula at sa kabuuan ng Kalakhang Maynila.

Sa ilalim ng kautusang ito ng DOTr, inaatasan ang lahat ng operator ng public transport (land, air and sea) na tanggapin lamang ang mga mananakay na bakunado at may maipakikitang vaccination ID.

Ayon kay Alinsug, imbes na maghigpit ang gobyerno sa mga unvaccinated, mas makabubuti kung palakasin na lamang nito ang kampanya na humihikayat sa lahat na magpabakuna.

PASAHERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with