^

Bansa

Ka Leody itutulak 'paid leave' para sa mga manggagawang tatamaan ng COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Ka Leody itutulak 'paid leave' para sa mga manggagawang tatamaan ng COVID-19
Undated file photo shows labor leader Leody de Guzman at a protest.
Mula sa Facebook ni Leody de Guzman

MANILA, Philippines — Suportado ng isang kumakandidato sa pagkapangulo sa 2022 ang pagpapatupad ng "paid quarantine" leaves para sa mga nagtratrabahong tatamaan ng COVID-19.

Kasabay ito ng panawagan ngayon ng ilang legislators at manggagawa na magbigay ang gobyerno ng hanggang dalawang linggong "paid leave" sa mga tatamaan ng COVID-19 habang nag-a-isolate.

"Ayos yan, dapat lamang ibigay yan sa mga manggagawa natin. At sana'y mahigpit na ipatupad ito ng gobyerno sa mga kumpanya, ng sa gayo'y masigurong susunod ang mga ito," ayon kay presidential aspirant Ka Leody de Guzman, Miyerkules.

"At tuunang matamasa ng mga manggagawa ang kanilang mga karapatan."

Sa maraming manggagawa't kontraktwal sa Pilipinas, malimit na magpatupad ng "no work, no pay" policy ang maraming kumpanya — kahit na magkasakit pa.

Pebrero 2021 pa lang ay nananawagan na ang ilang grupo gaya ng National Coordinator of Metal Workers Alliance of the Philippines ng 14-day paid leave para sa mga tatamaan ng COVID-19

Mayo lang din nang ihain ni Sen. Leila de Lima ang Senate Bill 2148 na magbibigay ng 10-day paid leave sa mga empleyadong tatamaan ng COVID-19 na kakailanganing mag-quarantine, lalo na 'yung mga hindi kaya mag-telecommute o mag-work-from-home.

Sa ilalim ng guidelines ng Department of Health (DOH), kinakailangang mag-isolate o quarantine mula 10 hanggang 14 araw ang mga nagpositibo sa COVID-19, depende kung ika'y asymptomatic, mild, moderate, severe o critical COVID-19 case.

Nangyayari ang lahat ng ito habang 53.38 milyon pa lang ang fully-vaccinated sa mahigit-kumulang 111 milyong populasyon ng Pilipinas.

"Higit pa riyan, siguruhin dapat ng pamahalaan ang ayuda sa bawat pamilyang Pilipinong gipit ngayon, lalo na ang mga manggagawang apektado ng covid surge," dagdag pa ni De Guzman, na kilalang dating nagtrabaho sa isang pabrika.

Umabot na sa 3.05 milyon ang bilang ng mga tinamtaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng DOH ngayong araw. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 52,654 katao.

Kasabay nito, pumalo na sa 208,164 ang aktibong kaso ng naturang sakit sa bansa kanina — ang pinakamarami sa kasaysayan ng Pilipinas.

2022 NATIONAL ELECTIONS

LABOR RIGHTS

LEODY DE GUZMAN

NOVEL CORONAVIRUS

PAID LEAVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with