85% ng COVID-19 patients sa ICU, ‘di bakunado – DOH
MANILA, Philippines — Mayorya o nasa 85 porsyento ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa intensive care units (ICU) ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ay hindi bakunado at nangangailangan ng mga ‘mechanical ventilators’.
“Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in NCR [National Capital Region] shows that 85% of those in the ICU and requiring mechanical ventilators are not vaccinated at all,” ayon sa pahayag ng DOH.
Mula sa 231 noong Disyembre 24, umakyat sa 371 o 37% ang itinaas ng ‘intensive care unit (ICU) occupancy’ sa NCR.
Dahil dito, muling nanawagan ang DOH sa publiko na magpabakuna na ang mga hindi pa nababakunahan at huwag nang magpatumpik-tumpik upang hindi na lumala pa ang kalagayan lalo ngayon na banta pa rin sa bansa ang Delta at Omicron variants.
Samantala, sinabi naman ng OCTA Research Group na nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng ‘pedriatic cases’ o mga bata na nahawaan ng virus dahil sa pagtaas ng pagkilos nitong nakaraang Kapaskuhan.
Sa ‘below 9 age group’, nakapagtala ng 224 kaso o 6.19% nitong Enero 1, habang sa ‘10-19 age group’ ay nakapagtala ng 233 kaso o 6.44%.
Pinakamataas naman na nahawaan ng virus ang ‘20-29 age group’ na may 1,123 kaso o 31.05% kasunod ang ‘30-39 age group’ na may 911 kaso o 25.19%.
- Latest