^

Bansa

Portugal isinama sa ‘red list’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasama na ang bansang Portugal sa listahan ng “red list” simula sa Disyembre 12, ayon sa Malacañang.

Ang mga bansang nasa red list ay itinuturing na may malaking banta o high risk sa COVID-19.

Kailangang sumailalim sa testing at quarantine protocols para sa red list countries, territories at jurisdiction ang mga pasahero na nanggaling sa Portugal sa loob ng 14 araw pagkarating sa Pilipinas.

“Simula 12:01 A.M. ng December 15, 2021, hindi na papayagan ang pagpasok sa Pilipinas ng mga pasaherong galing o nanggaling sa Portugal sa loob ng 14 na araw bago ang pagdating nila sa Pilipinas anuman ang kanilang vaccination status,” ani acting Presidential spokesman Karlo Nograles.

Ang papayagan lamang ay ang mga Pilipino na bumalik sa bansa sa pamamagitan ng government-initiated repatriation, non-government-initiated repatriation at bayanihan flights.

Sa mga pasaherong dumating bago ang Disyembre 12 at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine, kaila­ngan nilang makumpleto ang testing at quarantine protocols ng sila ay dumating sa Pilipinas.

PORTUGAL

RED LIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with