^

Bansa

PNP mahigpit na ipatutupad 'paputok ban' bago ang holidays

Philstar.com
PNP mahigpit na ipatutupad 'paputok ban' bago ang holidays
A worker prepares firecrackers for sale in a makeshift factory ahead of New Year celebrations in Bocaue, Bulacan province on December 27, 2019.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte apat na taon na ang nakalilipas, tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na strikto nilang ipatutupad ang pagbabawal sa mga iligal na paputok sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.

Taong 2017 nang ipatupad ni Digong ang Executive Order 28 na siyang naglilimita sa paggamit ng paputok sa mga "community fireworks display" upang maiwasan ang mga injury at pagkamatay, maliban sa ilang subject sa mga batas, panuntunan at regulasyon

"The PNP will make sure that the provisions on regulating, manufacturing and distributing firecrackers will be strictly implemented based on Executive Order No. 28 that provides for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices," ani PNP chief Gen. Dionardo Carlos, Martes.

"The PNP will enforce the provisions of Executive Order No. 28 to the letter."

Bawat istasyon ng pulis ay inaatasan ngayong makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan upang matukoy at maobserbahan ang mga designated firecracker zones.

Iinspeksyunin naman ang mga naturang lugar katulong ang mga public safety agencies gaya ng Bureau of Fire Protection at lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council.

"The PNP is serving fair warning to manufacturers and retailers not to engage in the distribution of illegal firecrackers, at the risk of confiscation and arrest," dagdag pa ni Carlos.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Lunes na nag-uumpisa na ang kanilang surveillance para sa firecracker injuries. Hanggang ngayon, wala pa naman daw silang naitatalang sugatan na pumapasok sa kanilang data systems sa ngayon.

Bahagi ng kampanya ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng kampanya nilang "Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas," ang pag-iwas sa paputok sa paggamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay sa darating na holiday season.

Suportado naman ngayon ng PNP ang inisyatiba ng lahat ng mga local government units sa ngayon na maglunsad ng kani-kanilang fireworks displays sa bawat baranggay upang tuluyan nang maiwasan ang mga firecracker-related incidents sa mga darating na araw.

Actually, may ligal na paputok kahit may 'ban'

Sa ilalim ng Republic Act 7183, na binanggit din sa E.O. 28, ang director-general ng PNP ang nagdedesisyon kung anong firecrackers atbp. pyrotechnic devices ang iligal para makontrol ang paggamit dito ng publiko matapos ang mga konsultasyon sa industriya pagpapaputok.

Una nang inilinaw ng PNP noong Disyembre 2018 na iligal ang mga paputok na may lagpas 0.2 gramo o 1/3 kutsarita ng pulbura. Banned din ang mga paputok na walang label at 'yung mga may lamang "sulfure" o "phosphorus" na inihalos sa mga "clorates."

Bawal din aniya ang mga malalaking paputok na may maiiksing mitsa na pumuputok nang wala pang tatlo hanggang anim na segundo.

Kasama sa mga pinahihintulutang paputok ang:

  • Baby rocket
  • Bawang
  • El DiabloJudas' belt
  • Paper caps
  • "Pulling of strings"
  • Sky rocket (kwitis)
  • Small "triangulo"
  • Butterly
  • Fountain
  • Jumbo, regular at special luces
  • Mabuhay
  • Roman Candle
  • Sparklers
  • Trompillo
  • Whistle device

— James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRECRACKER

FIREWORKS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with