Face shields ‘di na mandatory
MANILA, Philippines — Hindi na mandatory ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na tanggalin na ang paggamit nito sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.
Pero mananatili aniya ang paggamit ng face mask dahil matagal ang virus na nasa hangin lang.
Samantala, mananatili ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 5 at mga nasa granular lockdowns.
Para sa mga nasa ilalim ng Alert Level 4, may kapangyarihan ang mga local government units at mga pribadong establisemyento na ipatupad o tanggalin ang kautusan kaugnay sa paggamit ng face shields.
Muli namang ipinaalala kahapon ni acting presidential spokesperson Karlo Norgales na boluntaryo na lamang at hindi sapilitan ang paggamit ng face shields sa mga nasa Alert Level 1, 2, at 3 katulad ng Metro Manila.
- Latest