MANILA, Philippines — Nagbabalak kumandidato sa eleksyong 2022 ang dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagkapangulo sa huling araw ng candidate substitution.
Isang kontrobersyal na spokesperson noon ng NTF-ELCAC, naghain ng "substitution" si Ret. Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ngayong Lunes bilang standard-bearer ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino bilang kapalit ni Antonio Valdes na umatras noong Sabado.
Related Stories
Parlade is taking the spot of Antonio Valdes who withdrew his Presidential Bid last Saturday, Nov 13. However, based on the COMELEC’s tentative list of candidates, Valdes is considered as an Independent Candidate based on initial evaluation, meaning substitution isn’t possible. pic.twitter.com/PGZVUtHZDu
— Greg Gregorio (@GVGregorio_TV5) November 15, 2021
Papalitan ni Parlade si Valdes kahit independent candidate sa pagkapangulo ang huli sa 2022. Hindi pinapayagan ng Omnibus Election Code at Commission on Elections (Comelec) ang substitution sa isang independent candidate.
Ayon sa Section 77 ng Batas Pambansa Blg. 881, s. 1985:
... only a person belonging to, and certified by, the same political party may file a certificate of candidacy to replace the candidate who died, withdrew or was disqualified.
Substitution is not available for persons running as independents. https://t.co/FYHy0dv9zi
— James Jimenez (@jabjimenez) October 8, 2021
Kilala si Parlade sa pag-uugnay ng mga ligal na aktibista, pati mga artista gaya nina Angel Locsin, sa mga armadong komunista kahit walang matibay na ebidensya.
Ika-1 ng Hulyo lang nang magbitiw bilang tagapagsalita ng naturang anti-communist task-force si Parlade matapos kwenstyonin ng mga mambabatas ang appointment ng isang Southern Luzon commander sa isang civilian position sa gobyerno.
— James Relativo at may mga ulat mula sa News5 at ONE News
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito