P1.6 billion shabu nasabat sa Cavite

Philippine Drug Enforcement Agency personnel take an inventory of 240 kilos of methamphetamine hydrochloride or shabu with an estimated street value of P1.65 billion seized during a sting in Dasmariñas, Cavite on Saturday.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit P1.6 bilyong halaga ng shabu ang nakuha ng joint drug operations ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Intelligence Coordination Council (NICA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Customs mula sa dalawang suspek, kamakalawa sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ni PDEA Intelligence and Investigation Service Director Adrian Alvariño, ang dalawang suspek na sina Wilfredo Blanco Jr., 37 at Megan Pedroro, 38, kapwa residente ng Montalban, Rizal.

Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang PDEA hinggil sa operasyon ng mga suspek kaya isinagawa ang buy-bust operation sa isang parking lot sa Brgy. Salitran 2, Aguinaldo Highway.

Isang kilo lamang ng shabu ang bibilihin ng poseur buyer subalit tumambad sa kanila ang nasa 240 kilo ng shabu sa van ng mga suspek.

Nakatakdang i-deliver sa Calabarzon, Visayas at Mindanao ang shabu.

Haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

Sa pagtataya ng PDEA, nasa 1.7 tons na ang nakumpiska ng ahensiya mula sa kanilang mga operasyon at nagkakahalaga ng P11 bilyon.

Show comments