MANILA, Philippines — Isinubpoena na kahapon ng Kamara si Pharmally Executive Krizle Grace Mago matapos nitong aminin sa Senado ang umano’y ‘tampering’ ng expiration dates sa mga face shield na binili ng pamahalaan sa kanilang kumpanya.
Si Mago ay hindi na umano makontak matapos ang ‘expose’ nito sa Senate Blue Ribbon Committee.
Ang subpoena ad testificandum laban kay Mago ay para mapilitang humarap sa susunod na pagdinig ng Kamara sa Oktubre 4 ang Pharmally official sa pamamagitan ng zoom.
Samantala pormal nang lumiham kahapon ang House panel kay Sen. Richard Gordon para hilingin na payagang humarap sa pagdinig si Pharmally Director Linconn Ong.
Si Ong ay nasa ilalim ng kustodiya ng Senado matapos ma-contempt dahil sa pag-iwas nito na sagutin ang mga katanungan ng mga Senador kaugnay sa kontrobersyal na pagbili ng pamahalaan sa Pharmally ng mga medical supplies.