MANILA, Philippines — Sa pakikiisa sa pagdiriwang ng “National Clean Up Month” nga-yong Setyembre sa bisa ng Proclamation No. 244, muling nanawagan si Senator Cynthia A. Villar para sa isang malinis at luntiang kapaligiran.
Ipinagdiriwang din ang World Clean and Green Week sa September 17 hanggang 23 kada taon.
Sa okasyong ito, hinihikayat ang mga komunidad na linisin at panatiliin ang kanilang kapaligiran bilang ambag sa “worldwide environmental pre-servation efforts.”
Bago ang pandemya, pinangungunahan ni Villar, chairperson Committee on Environment and Natural Resources, ang mga paglilinis at Mangrove plan-ting sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region.
“We would like to again and again instill in the minds of the public awareness on the importance of having a clean and green environment in our lives, especially now that we are facing a global health crisis,”ayon kay Villar.
Bukod sa mangrove planting, itinutulak din ng senador ang urban gardening kasabay ng paulit-ulit na panawagan sa publiko na magtanim ng sarili nilang pagkain kahit sa kapirasong lupa o walang laman na lata o plastik.
Aktibo ring lumalahok si Villar sa mga programa para linisin at ayusin ang Manila Bay na mayroong pinaka-magandang sunset sa buong mundo.