^

Bansa

NTF-ELCAC walang kontrol sa budget ng barangay development program

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Taliwas sa sinasabi ng oposisyon, naninindigan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na wala itong kontrol sa pondong inilalaan para sa Barangay Development Program (BDP).

Ayon kay National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairman Hermogenes Esperon Jr., ang bilyong pondo ng BDP ay hindi hawak ng grupo sa halip ito ay kasama sa pondo ng ibang ahensiya ng pamahalaan na silang naatasang magsagawa ng mag proyekto sa barangay gaya ng farm-to-market road, school buil­dings at livelihood projects.

Sa ilalim ng 2022 national budget, ang BDP na itinuturing na flagship project ng Duterte administration, ay makakakuha ng P28.1 bilyon o mas mataas ng P11.66 bilyon kaysa sa pondo ngayong 2021.

Mula sa 822 nitong 2021, aabot na sa 1,404 barangay ang isasama sa BDP na kung saan ang bawat isa ay mabibigyan ng mga proyekto na hindi lalagpas sa P20 milyon. Ang mga barangay na ito ay itinuturing na malaya na mula sa impluwensiya ng rebeldeng CPP at NPA.

Ipinaliwanag ni Esperon na ang tanging trabaho lamang ng NTF-ELCAC ay i-monitor kung ang mga proyektong inihain ay naisasagawa ng tama at nasa oras.

Niinaw din ni Esperon na walang palakasan sa pagpili ng barangay dahil dumaan ang mga ito sa mahabang proseso. Hanggang nitong Setyembre 3, umaabot na sa 99.3 porsiyento ng pondo para sa BDP ang nailalabas na ng DBM na direktang ibinigay sa bawat probinsiya at siyudad na sumasakop sa barangay.

BDP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with