‘Economic roadmap’ ilalatag ng Hugpong para kay Sara
Para kumbinsihing tumakbo
MANILA, Philippines — Ilalatag ng Hugpong para kay Sara (HPS) ang economic roadmap sa susunod na anim na taon upang kumbinsihin si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa 2022 presidential polls.
Sinabi ni Bagong Henerasyon (BH) party-list Rep. Bernadette Herrera,, spokesperson ng HPS, na malalim na pag-aaral ang ginagawa ng grupo sa iba’t ibang mga isyu na kinabibilangan ng economic recovery plan sa panahon ng pandemic, kahirapan, China-US relations, West China Sea, karapatang-pantao, kawalan ng trabaho, giyera sa droga, extra-judicial killings at estado ng edukasyon at maraming iba pa.
Sinabi ni Herrera na magiging krusyal ang mga isyung ito upang magdesisyon si Mayor Sara sa hamon na tumakbo sa Panguluhan.
Muling inihayag ni Herrera na ilulunsad ang HPS, isang citizens movement na kinabibilangan ng mga grupo mula sa academe, mambabatas at marginalized sector, sa September 12.
Ayon kay Herrera, patuloy na lumalaki ang bilang ng mga organisasyon at indibidwal na sumusuporta sa HPS na mayroong chapters sa National Capital Region (NCR) at mga probinsiya.
Nagpahayag naman ng suporta ang OFWs sa Kuwait at Dubai sa Middle East at maging sa Florence, Italy at Canada para suportahan ang lumalawak na panawagang tumakbo si Mayor Sara.
- Latest