Pagtanggap ng Afghan refugees kailangan pang suriin – DOJ

“If Afghan nationals do arrive in the Phi­lippines and apply for permanent status as refugees, the Department of Justice Refugees and Stateless Persons Unit will evaluate whether they meet the international standards for refugee status,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
AFP

MANILA, Philippines — Kailangan pang isai­lalim sa ebalwasyon ang pagkatao ng isang Afghan national bago siya tanggapin ng Pilipinas bilang isang refugee, paglilinaw kahapon ng Department of Justice (DOJ).

“If Afghan nationals do arrive in the Phi­lippines and apply for permanent status as refugees, the Department of Justice Refugees and Stateless Persons Unit will evaluate whether they meet the international standards for refugee status,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Inihayag ito ng kalihim makaraan ang pahayag ng Malacañang na handang tumanggap ang Pilipinas ng mga refugee galing sa Afghanistan na kinukub­kob ngayon ng Taliban.

Ngunit iginiit ni Guevarra na kailangang mabatid muna kung ang aplikante ay banta rin sa nasyunal na seguridad ng Pilipinas kaya kailangang suriin muna ang kanilang background.

Maaaring pakilusin dito ang National Bureau of Investigation at National Intelligence Coordinating Agency.

“Upon determination and grant of refugee status by the DOJ, the Bureau of Immigration will implement the decision and issue the appropriate documentation to the applicant,” ayon kay Guevarra.

Show comments