^

Bansa

Tanod 'bawal may baril sa duty,' sabi ng DILG sa pagkamatay ng Tondo ECQ violator

James Relativo - Philstar.com
Tanod 'bawal may baril sa duty,' sabi ng DILG sa pagkamatay ng Tondo ECQ violator
Authorities screen motorists passing through a checkpoint near the border of Marikina and Antipolo on Friday morning, Aug. 6, 2021.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Idiniin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bawal gumamit ng baril ang mga baranggay tanod at iba pang mga "police auxiliary units" sa paggampan sa kanilang mga tungkulin, gaya ng pagpapatrolya habang enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ang pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año matapos mabaril nitong Sabado ng tanod na si Cesar Panlaqui ang 59-anyos na palaboy na si Eduardo Geñoga, may sakit sa pag-iisip. Nangyari ang insidente sa Tondo, Maynila habang ipinatutupad ang ECQ curfew.

Ani Año, tinatanggal ng Republic Act 10591 ang otoridad ng mga police auxillary units gaya ng mga tanod na magdala ng baril, bagay na pinapayagan noon ng Circular 2008-013 ng National Police Commission.

"While we acknowledge that barangay tanods play a complementary role to local authorities in the maintenance of the peace of order in their respective communities, we firmly reiterate that they are not authorized to carry any firearm in the performance of their duties even if they own these firearms," sabi ng DILG official, Huwebes.

"Since the barangay tanod position is not part of the plantilla, barangay tanods are, therefore, not authorized to bear firearms while on duty," dagdag niya, habang idinidiing nasa permanenteng posisyon dapat ang mga empleyadong binibigyan ng registered firearms ng lokal na gobyerno.

Taong 2018 lang nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang armasan ang mga barangay chairpersons, mga tanod at village watchmen.

So... anong pwedeng gamitin ng tanod?

Sa ilalim ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2003-42, pinapayagan lang ang mga baranggay tanod na gumamit ng mga sumusunod:

  • nightstick
  • teargas na may belt at holster
  • posas na may holster
  • pito
  • flashlight
  • kapote
  • rain boots
  • maliit na notebook
  • ballpen
  • first-aid kits

"Hindi sana humantong sa pamamaril at pagkamatay ng curfew violator kung hindi armado ang tanod at kung kumilos siya nang naaayon lamang sa katungkulan niya," patuloy pa ni Año.

Sinasabing nabaril ni Panlaqui si Geñoga sa kahabaan ng Tayuman St. sa baranggay 156 matapos lapitan ng huli ang nauna habang may hawak na patpat.

'Mga tanod dapat hindi mainitin ang ulo'

Pinaalalahanan naman ni Interior sokesperson Jonathan Malaya ang mga barangay officials na 'wag maging padalos-dalos at gamitan ng kaonting lamig ang mga lumalabag sa quarantine restrictions ngayong ECQ.

Iniimbestigahan na rin daw ng Philippine National Police ang insidente at naktatakdang magain ng reklmaong murder laban kay Panlaqui.

"Hindi natin palalampasin ang pagmamalabis sa tungkulin ng mga barangay tanod o ng sinumang lokal na opisyal na umaabuso sa kanilang tungkulin," dagdag niya.

"Let this be a reminder to our fellow public servants, our barangay tanods, to stick to the letter of the law as they enforce health protocols during the pandemic."

Una na ring inilinaw ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na walang otoridad ang mga barangay peace and security officers na humawak ng baril havbang nagtratrabaho.

Nagsasagawa na rin ng hiawalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights pagdating sa insidente, habang nananawagan ng "human rights-based policing" at pagrespeto sa dignidad ng mga nasasakupan. — may mga ulat mula kay Franco Luna

FIREARM

LOCKDOWN

MANILA

TANOD

TONDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with