MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ng 5.4 milyong bagong botante ang bansa na may tatlong buwan bago ang palugit sa pagpaparehistro.
“As of July 10, we have around 5.45 million registrants @COMELEC. If we automatically reactivate 6.3 million that would be a record,”ang Twitter post ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon.
Magtatapos ang voters registration sa Setyembre 30 kung saan naabot na ng Comelec ang kanilang target na apat na milyong bagong botante.
Hindi pa naman naa-update ng Comelec ang naaprubahan nang mga aplikasyon sa ginanap na Election Registration Board (ERB) hearing nitong Hulyo 19.
Tinalakay rin nila ang posibleng pag-activate ng mga rehistradong botante na na-deactivate dahil sa hindi paglahok sa dalawang magkasunod na halalan.