MANILA, Philippines — Pormal nang naihanay ang coronavirus disease (COVID-19) bilang isa sa mga nagdudulot ng pinakamaraming pagkamatay sa Pilipinas, paglalahad ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Lunes.
Ito'y kahit na una nang iniulat ng Department of Health na "small fraction of Philippines deaths" lang ang idinudulot ng COVID-19 nitong Pebrero 2021.
Related Stories
"Registered deaths due to COVID-19 accounted for a total of 30.14 deaths or 4.9 percent of the total registered deaths in 2020. By classification, COVID-19 with virus not identified was the seventh leading cause of death in the country with 20.84 thousand cases or 3.4 percent of the total deaths in 2020," ayon sa PSA kahapon.
"Meanwhile, registered deaths due to COVID-19 with virus identified accounted for 9.30 thousand or 1.5 percent of the total deaths in 2020, making it the top 14 cause of death during the year."
Umabot na sa 25,296 ang namamatay na tao mula sa COVID-19 ayon sa pinakabagong ulat ng Department of Health ngayong Martes. Sumirit naman na sa 1.44 milyong katao ang tinatamaan nito sa ngayon sa bansa.
Sakit sa puso, cancer maraming pinatay kaysa COVID-19
Sa kabila nito, marami pang ibang karamdamang nagdulot nang mas maraming pagpanaw sa bansa nitong 2020. Narito ang pagkakasunod-sunod pagdating sa dami:
- ischaemic heart diseases (105,114)
- neoplasms o cancer (66,179)
- cerebrovascular diseases (64,104)
- diabetes mellitus (39,720)
- pneumonia (34,251)
- hypertensive diseases (31,610)
- COVID-19 virus not identified (20,840)
- iba pang sakit sa puso (20,575)
- chronic lower respiratory infections (20,553)
- remainder of diseases of the genitourinary system (18,483)
"Most of the ten leading causes of death already exceeded their averages in the last five years (2015-2019). Meanwhile, deaths due to pneumonia had the biggest decline, with -22.58 thousand less deaths in 2020 than its average in the past five years," patuloy ng PSA.
"The top three causes of death in 2020 retained their respective ranks in terms of their averages in the last five years."
Disgrasya sa kalsada, assault, pagpapatiwakal
Maliban sa sari-saring sakit na nanguna sa listahan ng pamahalaan noong nakaraang taon, kapansin-pansing kasama rin sa top 20 list ang iba pang mga sanhi na dulot mismo ng tao.
Mula sa dating 11th place noong 2019, kumonti ang porsyento ng mga namatay sa transport-related deaths patungong 17th (8,699) ngayong taon. -32 ang naiawas ngayong 2020 diyan. Nangyayari ito ngayong community quarantine kung saan laging nasa bahay lang ang mga tao laban sa COVID-19.
Kumonti rin ang mga namatay dahil sa assault ng -23.3% ngayong nasa 6,775 lang ang pumanaw dito. Kapansin-pansin namang dumami ng 57.3% ang mga namatay sa intentional self-harm (4,420), dahilan para maging ika-25 ito sa listahan. Nasa ika-31 pwesto ito noong 2019. — James Relativo