7 days quarantine sa fully vaccinated close contacts ng COVID cases, aprub

MANILA, Philippines — Mula sa 10 araw ay pinaiksi pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa 7 araw na lamang ang qua­rantine period ng mga close contacts ng COVID-19 na fully vaccinated na.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, na kapag ang isang fully vaccinated individuals ay close contacts sa isang probable at confirmed COVID-19 cases ay maaari na lang silang sumailalim sa 7-araw na quarantine period kapag nanatili silang asymptomatic sa loob ng pitong araw.

Ayon kay Roque, maituturing ang isang tao na fully inoculated kapag 2 linggo na siyang nabakunahan matapos na makatanggap ng ikalawang dose ng COVID-19 at 2 linggo matapos makatanggap ng single dose ng nasabing bakuna.

Pinapayagan na rin ng IATF ang intrazonal movement para sa mga fully vaccinated na senior citizens na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.

Subalit ayon kay Ro­que, dapat muna silang magprisinta ng COVID-19 domestic vaccination card.

Ang COVID-19 domestic vaccination card ay sapat anyang alternatibo sa anumang testing requirement bago magbiyahe o pagdating sa kanilang destinasyon na itinatakda ng lokal na pamahalaan na kanilang pupuntahan.

Show comments