^

Bansa

Makabayan Bloc kinondena ng mga IP lider sa Surigao

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena  ng  mga lider ng  Indigenous People (IP) sa Surigao ang mga umano’y “kasinungalingang ipina­kakalat” ng Makabayan Bloc sa Kongreso hinggil sa pagkakapatay sa tatlo nilang katribu na pinilit na isinali bilang mandirigma ng komunistang-teroristang New People’s Army noong June 15, 2021 sa Barangay Datagan sa Lianga, Surigao del Sur.

Sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nakiusap si Datu Constancio Duhac, lider ng IP sa Lianga, na ires­peto ng Makabayan Bloc ang Tribal Council ng Lianga at ang sarili nitong pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente na nakapaloob sa Republic Act 8371 o ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA) ng 1997 lalo pa’t sapilitang dinukot at pilit na ginawang mga mandirigma ng NPA kaya napaslang sa engkwentro sa mga militar.

Naniniwala si Duhac na ang pagpapakalat umano ng maling impormasyon ng Makabayan Bloc ay para lamang makalikom ng donasyon sa mga banyagang organisasyong naloloko ng mga ito.

IP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with