Buhay ng mga taga-Benguet pinagaan ni Rep. Yap

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang mamamayan ng Benguet na naging “caretaker” ng probinsya si ACT-CIS Rep. Eric Yap dahil sa rollout ng libreng checkup at diagnostic examinations sa buong probinsya na malaking tulong sa mga residente nito.

“Uunahin natin ang Barangay Health Workers (BHW) at barangay nutrition scholarship (BNS) na umiikot sa probinsya para siguraduhin na ligtas ang ating mga komunidad,” pahayag ni Yap.

Matatandaan na mula nang maging “caretaker” si Rep. Yap sa Benguet, naging sunud-sunod ang programa nito na malaking tulong sa pamumuhay sa probinsya at sa paglaban sa pandemya.

Kamakailan lang, namahagi ito ng bigas maging sa Ibang munisipalidad upang patuloy na makatulong mas gumaan ang buhay ng mga mamamayan ng Benguet.

Layunin nina Rep. Eric Yap at gayun din ni Gov. Melchor Diclas na gawing ligtas at protektado ang lahat ng residente ng lalawigan.

Show comments