3 katao patay sa bagyong 'Dante' habang apektado tumalon sa halos 3,000
MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa gitna ng pananalasa ng Tropical Storm Dante sa sari-saring parte ng Pilipinas, ngayong umabot na sa limang beses itong nag-landfall sa kalupaan ng bansa.
Ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, umabot na sa tatlo ang namamatay sa kasagsagan ng masungit na panahon.
Patay:
- 1-anyos, lalaki, mula sa Panoraon, Davao de Oro (hindi nakahinga dahil sa putik, debris)
- 71-anyos, lalaki, mula Malalag, Davao del Sur (inanod ng biglaang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan)
- 14-anyos, babae, Norala, South Cotabato (inaantay pa ang detalye sa pagkamatay)
Sugatan:
- 14-anyos, lalaki, mula Brgy. Macagao, Davao Oriental (head injury)
- 18-anyos, babae, mula Brgy. Macagao, Davao Oriental (nabalian ng buto sa hita)
Nawawala:
- 55-anyos, lalaki, mula Norala, South Cotabato (patuloy ang search and rescue operation)
Bandang 10 a.m. nang mamataan ng PAGASA ang mata ng bagyo sa northwestern coastal waters ng Romblon, Romblon habang tinutumbok ang silangang baybayin ng Oriental Mindoro.
Apektado at pinsala
"A total of 566 families or 2,642 persons were affected in 18 barangays in Region XI and III," wika ng NDRRMC kanina.
"Of which, 158 families or 604 persons are currently taking temporary shelters in ten (10) evacuation centers).
Umabot naman na sa 96 pamilya o 351 katao ang isinailalim sa pre-emptive evacation sa Bicol, Central Visayas at Eastern Visayas.
Apat na kabahayan ang napinsala ng nasabing bagyo sa pagdaan nito sa Davao Region: dalawang partially damaged at dalwang wasak na wasak.
Damay din sa pagbayo ni "Dante" ang mga magsasaka at kanilang pananim gaya na lang ng palay at mais.
"A total amount of P7.93 million worth of damage affecting 442 farmers with 349 hectares of agricultural areas and volume of production loss at 220 metric tons [was reported]," patuloy ng NDRRMC. — James Relativo
- Latest