^

Bansa

Pagkalusaw ng NPA nalalapit na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Task Force Balik Loob (TFBL) sa ilalim ng Department of National Defense na umaabot na sa 17,958 rebeldeng komunistang-terorista ang naita­lang mga nagsisuko at nagbalik-loob sa pamahalaan magmula nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isa sa mga indikasyon ng unti-unting pagkakabuwag ng  Communist Terrorist Groups (CTG).

Ayon kay Navy Captain Ferdinand Buscato ng TFBL, ang 17,958 nagsisukong mga rebelde ay naitala mula Hulyo 2016 hanggang May 28, 2021.

Paliwanag ni Buscato,  nagsisuko ang mga ito  sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Information Program (E-CLIP) na pinatutupad ng TFBL, kung saan ang mga dating rebelde ay naibabalik sa kani-kanilang mga pamilya at nabibigyan pa ng tulong pinansiyal upang makapagsimulang muli ng kanilang normal na buhay, na may kalakip pang pabahay, edukasyon at mga  medical assistance.

Kinumpirma naman ni NTF-ELCAC Vice Chairperson, Secretary Hermogenes Esperon Jr. na humihina na ang mga nalalabi pang NPA guerilla fronts dahil sa patuloy na pagsuko ng kanilang mga kasamahan. Ito ay dahil na rin sa pagsasagawa ng pamahalaan ng mga tinatawag na Retooled Community Support Program para linisin ang mga barangay na dating pinamumugaran ng CPP-NPA.

CTG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with