Seaman na may Indian variant naka-intubate, 3 pa naka-oxygen support
MANILA, Philippines — Patuloy na mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang kalagayan ng mga OFW na natagpuang positibo sa Indian variant ng COVID-19 kung saan isa ang naka-intubate habang tatlo ang naka-oxygen support sa pagamutan.
“Titingnan natin ‘yung course ng sakit nila kung kompara sa other variants ay mas mahaba at mas nagwo-worsen,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online media forum.
Sinabi pa ng opisyal na isasailalim sa ‘retesting’ ang mga pasyente upang mabatid kung naka-rekober na sila sa COVID-19.
Layong makumpirma ng DOH ang unang mga pag-aaral na ang mutation ng Indian variant ay nagdudulot ng kakayahan ng virus na makaiwas sa immune system ng tao kaya matagal gumaling at mas nakakahawa.
Sa 12 natuklasang positibo sa Indian variant, siyam ang mga seaman na sakay ng MV Athens Bridge, dalawa ang galing sa Belgium na may reconnecting flight sa United Arab Emirates habang isa ang galing sa Oman.
Nagpatupad na ang Pilipinas ng travel ban sa India, Bangladesh, Nepal, Sri Lanka, Oman, at sa United Arab Emirates.
- Latest