^

Bansa

Jet ski ni Duterte sa Spratly, joke lang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Jet ski ni Duterte sa Spratly, joke lang
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang “Talk to the People” noong Lunes na panahon noon ng kampanya at nagyabang lamang siya at ang tawag umano sa biro na kanyang sinabi ay bravado o pure campaign joke lang.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na “pure campaign joke” lang ang kanyang sinabi noong 2016 na pagsakay sa jet ski papunta sa Spratlys para dalhin ang watawat ng Pilipinas.

Ayon kay Duterte sa kanyang “Talk to the People” noong Lunes na panahon noon ng kampanya at nagyabang lamang siya at ang tawag umano sa biro na kanyang sinabi ay bravado o pure campaign joke lang.

Kaya kung naniniwala umano ang mga taga-oposisyon o taga-kabila tulad ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio sa kanyang mga sinabi ay istupido sila.

Iginiit din ng Pangu­lo na malabo siyang ma­kapag-jet ski papuntang Spratly dahil mahirap magtungo doon at hindi siya marunong lumangoy.

Ang pahayag ni Du­terte ay dahil sa patuloy na inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito sa presidential debate na sasakay siya ng jet ski papuntang Spratly Island para igiit sa China na teritoryo ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS).

Samantala, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lac­son na hindi lahat ng biro ni Pangulong Duterte ay nakakatawa para sa sambayanan lalo na at seryoso ang usapin sa WPS.

Iginiit pa ni Lacson, na mahirap basahin ang isip ng Pangulo dahil hindi alam kung kailan siya seryoso at kailan siya nagbibiro lalo na kung siya ay nagsasalita sa sambayanan.

Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nalilito na rin umano sa mga pahayag ni Duterte habang ang China ay patuloy na pumapasok sa teritoryo ng bansa.

 

Related video:

 

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with