Walang verbal fishing deal sa WPS – Malacañang

MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ng Malacañang ang diumano’y “verbal fishing agreement” sa pagitan nina President Rodrigo Roa Duterte at President Xi Jin Ping.

Sa statement ni Presidential spokesperson Harry Roque, pinabulaanan din nito na hinihikayat ng gobyerno ang pananatili ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea sa kabila nang inihaing diplomatic protests at “strongly worded statements” ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Roque na ang isang fishing agreement sa ilalim ng domestic laws ay maaari lamang mabuo sa pamamagitan ng isang treaty.

Anya, hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang mga unlawful commercial fishing sa alin mang karagatan ng Pilipinas bagaman at kinikilala nito ang pangangaila­ngan ng non-commercial fishing para sa kabuhayan na nakasaad sa Arbitral Tribunal.

Sinabi ni Roque na dapat nang tigilan ang mga malis­yosong ispekulasyon at mga maling pahayag na mas nagpapainit lamang sa sitwasyon.

Mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga produktibong gawain na makakatulong sa bawat isa sa gitna ng pandemya.

Show comments