^

Bansa

Philippines fixed broadband internet bumilis pa; umangat ng 19 puntos sa global ranking

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumilis pa ang fixed broadband internet sa Pilipinas ng 19 puntos sa global ranking, base sa March Ookla Speedtest Global Index report.

Ayon sa Ookla, naka­pagtala ng 7.79Mbps increase sa speed mula sa 38.46Mbps noong nakaraang buwan patungo sa 46.25Mbps nitong Marso 2021.

Katumbas ito ng monthly increase na 20.25%  at 484.70% increase mula sa download speed ng bansa na 7.91Mbps noong Hul­yo 2016.

Sa 177 mga bansa, ang Philippine fixed broadband speed ay nasa ika-81 puwesto na ngayon. Ang pag-angat sa puwesto ng bansa noong Marso ay 2nd best sa buong mundo kasunod ng Oman.

Bahagya namang bumaba ang mobile network overall performance ng bansa makaraang magtala ng average download speed na 25.43Mbps mula sa 26.24Mbps noong nakaraang buwan.

Sa kabila nito, ang kasalukuyang mobile network performance ay mas mataas pa rin ng 241.80% kumpara sa speed nito na 7.44Mbps noong Hulyo 2016, habang ang ave­rage mobile download speed na 24.72Mbps mula Enero hanggang Marso ngayong taon ay tumaas din ng 29.22% mula sa 19.13Mbps na naitala noong Oktubre hanggang Disyembre 2020.

Sa 140 mga bansa, ang Philippine mobile speed ay nasa ika-86 na puwesto noong Enero 2021 mula sa ika-111 sa kaparehong panahon noong 2020, kung saan naungusan nito ang mga bansang tulad ng Russia, Malaysia at Indonesia.

Sa Asya, nasa ika-22 puwesto ang Pilipinas sa internet speed sa fixed broadband at pang-25 sa mobile broadband mula sa 50 mga bansa.

Ang bansa ay pang-5 ngayon sa fixed broadband at nasa ika-7 puwesto sa mobile mula sa 10 ASEAN countries.

OOKLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with