Bising pumasok na sa PAR

Nakabantay ang mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa mga lugar na dadaanan ng severe tropical storm Bising na pumasok na sa bansa kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Lumakas at naging isang Severe Tropical Storm ang bagyong Bi-sing nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng umaga.

Alas-10 ng umaga kahapon, si Bising ay na­mataan ng PagAsa sa layong 960 kilometro sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte taglay ang lakas ng hangin na 130 kilometer per hour at pagbugso na 160 kph.

Hindi pa direktahang nakakaapekto sa bansa ang bagyo.

Sa Linggo inaasahang mararamdaman na si Bising sa Eastern Visayas at Bicol Region na makakaranas doon ng bugso ng hangin at pag-ulan.

Si Bising ay mananatili sa bansa hanggang sa susunod na linggo.

 

Show comments