MANILA, Philippines — Tanggal sa pwesto ang chief of police ng General Trias City, Cavite matapos mapag-alamang "namwersa" sila ng pisikal na parusa laban sa mga quarantine violators, bagay na una nang ikinamatay ng isang lalaki.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang mamatay ang 28-anyos na si Darren Peñaredondo, matapos diumano parusahan ng "300 pumping excercises" dahil sa pagbili ng tubig habang COVID-19 curfew hours sa Cavite.
Related Stories
Kinilala ang sinibak na hepe bilang si Police Lt. Col. Marlo Solero.
"The PD, Cavite [Police Provincial Office] has relieved the [chief of police] of Gen Trias after finding out that 2 of the quarantine violators executed sworn affidavits that they indeed were made to do [physical] exercises (knee bender) by two GT policemen earlier relieved pending the investigation," ani Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, Miyerkules.
"The COP, who made a statement of denial earlier, and the two cops are now placed under the direct supervision and control of the PD who went straight to GT to validate for himself from vital witnesses what actually happend during that fateful night that may probably be one of the preceding causes of the death of Mr Darren Peñaredondo."
Dagdag ni Usana, iginugulong na ng Cavite PPO ang imbestigasyong kriminal at administratibo laban sa mga akusado.
Una nang itinanggi ni Solero na nagpapataw sila ng parusang pisikal laban sa mga curfew at enchaned community quarantine (ECQ) violators sa Cavite, at nagbibigay lang "daw" ng pangaral sa mga lumalabag.
Ililipat lang, pero hindi sinisisante
Inilinaw naman ni Usana na hindi tatanggalin sa police force si Solero. Bagkos, ililipat lang daw muna siya sa ngayon.
"He'll be in the provincial office based in Imus for now," wika ng tagapagsalita ng PNP sa panayam ng Philstar.com.
'Walang kukunsintihin'
Sabi pa ni Usana, ginawa bilang "patunay" na pinalulusot nila ang anumang pag-abuso ng mga kapulisan.
"This is to also assure that the PNP does not tolerate any act that is inimical to the best interest of our people, particularly the aggrieved parties in the Peñaredondo case," patuloy ni Usana.
Martes lang nang sabihin ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na pinaiimbestigahan na nila ang insidente. Kung mapatunayang may sala raw ang mga pinararatangan, hindi naman daw sila mangingiming panagutin sila: "We can assure the public na kung meron pong pagkukulang ang ating kapulisan, sisiguraduhin po nating sila ay mananagot dito," sabi niya.
Lunes lang nang baliktarin ng Department of Justice (DOJ) ang una nitong posisyon pagdating sa pagpapakulong sa mga lumalabag sa protocols ng community quarantine.
Ito ay matapos ang isang taon ng mga "non-cooperation" arrests at "disobedience" cases. Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inirerekomenda na nila sa LGUs ang community service na parusa. — may mga ulat mula kay Franco Luna