Real estate firm umalma sa akusasyong panloloko ng buyers
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng CitiGlobal Realty and Development, Inc. ang mga kumalat na ulat na niloko umano nila ang mga bu-yer sa kanilang housing project sa Tagaytay.
Ayon sa CitiGlobal, patapos na ang konstruksyon ng unang buil-ding ng “Tagaytay Clifton Resort Suites” (TCRS) sa Alfonso, Cavite, Metro Tagaytay, kung saan nagsimula na rin ang turn-over ng mga unit nito.
Inaanyayahan umano nila ang kanilang mga buyer at investor na bisitahin ang site upang maberipika ang development ng nasabing proyekto.
“We are also currently reaching out to the concerned investors to address the issue. Those who may have concerns or questions over our pro-jects, CitiGlobal is open and will address their concerns, accordingly,” ayon sa kompanya.
Tiniyak din ng CitiGlobal na nakarehistro sila sa Securities and Exchange Commission at kumuha ng kaukulang lisensiya at permit sa Housing and Land Use Regulatory Board, gayundin sa local government o iba pang regulatory bodies para makapagnegosyo sa real estate development.
- Latest