P400 bilyon nawala sa turismo ng Pinas

MANILA, Philippines — Aabot sa P400 bilyon ang nawala sa kinikita sa turismo ng Pilipinas dahil sa COVID 19 pandemic.

Sinabi ni Undersecretary Roberto Alabado III, Officer-in-Charge (OIC) ng Department of Tou-rism, 8.3-M dayuhang turista ang bumisita sa Pilipinas noong 2019 pero dahil sa travel res­trictions ay bumagsak ang turismo sa 82% nitong 2020 o 1.3-M dayuhang turista na nagtungo sa bansa.

Ang insidente, ayon pa kay Alabado ay nakaapek­to sa 5.7-M trabaho sa industriya ng turismo sa buong bansa.

Nasa 12.7% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay mula sa sektor ng turismo.

Sa kasalukuyan, unti-unting bumabangon ang sektor ng turismo pero limitado lamang ito sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). May ginagawa na ring hakbang ang kanilang tanggapan para makabawi.

Show comments