Escudero itinulak na di basta makakapasok ang PNP-AFP sa mga unibersidad
MANILA, Philippines — Ngayong mainit ang usapin ng mga kasunduan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa Department of National Defense (DND), ilang pulitiko ang naglulutang ng ideyang pagbawalan na ang panghihimasok ng pulis at kasundaluhan sa lahat ng eskwelahan.
Ilang araw pa lang kasi nang pumutok ang balitang umatras ang gobyerno sa 1989 UP-DND Accord, bagay na humaharang sa basta-bastang pagsasagawa ng military at police operations sa UP sa ngalan ng "academic freedom," malayang debate at palitan ng ideya — maliban sa warrantless arrests sa unibersidad. Meron ding bersyon nito ang PUP.
Reklamo kasi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, naabuso raw ang nasabing accord kung kaya't nakakapagpalawak ng kasapian ng New People's Army (NPA) at Communist Party of the Philippines (CPP).
"[President Rodrigo Roa Duterte] said that it's unfair that only UP and PUP have a pact [with the DND]. I completely agree!" sambit ni Sorsogon Gov, Miyerkules.
"So why not enter into a similar pact with ALL THE OTHER UNIVERSITIES or, better yet, pass a law that will guarantee this to ALL UNIVERSITIES instead of abrogating these two."
PRRD said that it's unfair that only UP and PUP have a pact.I completely agree! So why not enter into a similar pact...
Posted by Chiz Escudero on Tuesday, January 19, 2021
Una nang humarap sa matinding batikos mula sa mga estudyante, propesor at komunidad ng UP ginawa ni Lorenzana, sa dahilang nasasagkaan nito ang malayang pamamahayag at talakayan.
Ayon naman kay UP president Danilo Concepcion, hindi nila matatanggap ang anumang anyo ng militarisasyon sa kanilang mga kampus lalo na't nakalilikha ito ng takot (chilling effect). Natural lang naman din daw na parte ng malusog na demokrasya ang aktibismo.
Masaklap din daw na "unilateral" ang pagpuputol ni Lorenzana ng kasunduan nang walang konsultasyon.
Dagdag pa niya, produkto ng academic freedom ang excellence ng nasabing pamantasan, na siyang ika-65 sa 489 unibersidad sa buong Southeast Asia, ayon na rin sa Times Higher Education Asia University Rankings.
Basahin: UP pinababawi pag-atras ng DND sa pagbabawal ng pulis, militar sa campus
Sang-ayon naman diyan si Sen. Joel Villanueva, na naghain ng Senate Bill 2020 para gawing "institutional" ang pagbabawal ng outside interference ng pulis at militar sa mga unibersidad nang walang pahintulot ng eskwelahan.
"[I] just spoke with Sen. [Nancy] Ninay, Sen. [Grace] Poe and Sen. [Sonny] Angara, They will co author. Filing the bill in a while," wika niya sa panayam ng Philstar.com.
"We are willing to do this in other state universities too as they have different charters."
Sens. Nancy Binay, Grace Poe, and Sonny Angara will co-author the measure, according to Villanueva.
— Philstar.com (@PhilstarNews) January 20, 2021
Villanueva: We are willing to do this in other state universities too as they have different charters. | via @BellaPerezRubio
PUP idadamay na rin?
Kahapon lang nang sang-ayunan ni Duterte Youth party-list Rep. Ducielle Cardema — isang estudyante rin ng UP — ang pagpuputol ng UP-DND Accord. Pero maliban diyan, gusto na rin niyang madamay na maputol ang kasunduang umiiral sa PUP.
"Itong UP-DND Accord [at] PUP-DND Accord ay klarong-klaro na inabuso na, sa tagal ng panahon," wika niya sa isang pahayag nitong Martes.
"Kung sa 400 plus campuses ng iba't ibang [state universities and colleges] wala namang ganyang accord pero peaceful naman, tama lamang tanggalin na ang special treatment na 'yan na naaabuso rin naman."
Suportado ng Duterte Youth Party-list ang unilateral termination ng UP-DND Accord na naabuso umano para sa youth recruitment ng CPP-NPA. Nanawagan din itong tapusin na ang PUP-DND accord.
— News5 (@News5PH) January 19, 2021
RELATED STORY: https://t.co/MUYpavPFDP pic.twitter.com/3FwhISeVMP
Batikos at protesta din ang sumalubong kay Cardema sa naturang pahayag, dahilan para sugurin ng mga PUP students ang eskwelahan ngayong araw bilang pagtutol.
Direkta namang nagtungo ang PUP student regent at PUP Central Student Council sa tanggapan ng Duterte Youth party-list para magsumite ng kanilang matinding pagbanat sa planong pagputol sa Prudente-Ramos Accord.
"Ang tunay na special treatment ay ang bukod tanging partylist na pinahintulutan ng COMELEC na maupo sa kongreso kahit na hindi rehistrado at lampas sa itinakdang edad ng batas," sabi ni Ellenor Joyce Bartolome, student regent ng PUP.
"Ang tunay na special treatment ay ang bukod tanging partylist na pinahintulutan ng COMELEC na maupo sa kongreso kahit na hindi rehistrado at lampas sa itinakdang edad ng batas."
Students and other progressive groups hold a rally at the PUP Main Campus following Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Cardema’s call to scrap the PUP-DND accord.
— Philstar.com (@PhilstarNews) January 20, 2021
????: League of Filipino Students PUP pic.twitter.com/lK529CFerW
JUST IN: THE PUP STUDENT REGENT AND CENTRAL STUDENT COUNCIL PRESIDENT STORMED THE OFFICE OF THE DUTERTE YOUTH PARTYLIST TO SUBMIT ITS STRONG POSITION AGAINST THE IMPENDING TERMINATION OF PRUDENTE-RAMOS ACCORD#DefendTheSchools#LabanKabataan
— PUP Office of the Student Regent (@osr_pup) January 20, 2021
Full Story: https://t.co/Xxov9x5nRh pic.twitter.com/gxJchaEtzT
Kasalukuyan namang nananawagan ang ilang mambabatas na magkaroon ng imbestigasyon at pagdinig ang Kamara pagdating sa unilateral termination ng DND sa kanilang kasunduan sa UP.
Kasama sa mga nangunguna riuyan ay sina Albay Rep. Edcel Lagman, Muna Rep. Carlos Zarate, Quezon City Rep. Jose Christopher Belmonte at Iloilo Rep. Lorenz Defensor. — may mga ulat mula kina Xave Gregorio at Bella Perez-Rubio
Related video:
- Latest