^

Bansa

Presyo ng baboy sa NCR halos P400 kada kilo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng baboy sa NCR halos P400 kada kilo
Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa P380 ang bawat kilo ng liempo sa mga pamilihan tulad ng Pasig Mega Market, Muntinlupa Public Market, Las Piñas Market, Pasay City Market, Marikina Public Market at San Andres Market sa Maynila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pumalo na sa halos P400 ang kada kilo ng karneng baboy sa Metro Manila.

Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa P380 ang bawat kilo ng liempo sa mga pamilihan tulad ng Pasig Mega Market, Muntinlupa Public Market, Las Piñas Market, Pasay City Market, Marikina Public Market at San Andres Market sa Maynila.

Pumalo naman sa P400 kada kilo ng baboy sa Mega QMart sa Edsa Quezon City habang P340 per kilo sa Quinta Public Market.

Ayon kay Agriculture Asst. Secretary Kristine Evangelista, ang pagtaas ng presyo ng baboy ay  bunsod pa rin ng kakapusan ng suplay dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) sa Luzon.

Upang matulungan ang mga mamimili na magkaroon ng murang presyo ng karneng baboy, naglagay ang DA ng mga Kadiwa Booth sa mga pamilihan para dito bumili ng mas mababang halaga ng pork meat.

Sa Kadiwa booth ng DA ay umaabot lamang sa P240 ang bawat kilo ng liempo.

Hinikayat din ni Evangelista ang mga mamimili na subukang magtungo sa mga supermarket dahil di hamak na mas mababa ang presyo ng baboy dahil nakukuha ito sa mababang presyo mula sa mga hog raisers.

ASF

BABOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with