MANILA, Philippines — Tropical cylone wind signal no. 1 at masungit na panahon ang bubungad sa maraming lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao ngayong umaga sa patuloy na paglapit ng bagyong Vicky sa Pilipinas sa mga susunod na oras.
Natagpuan ang mata ng Tropical Depression Vicky 185 kilometro silangan ng Lungsod ng Davao kaninang 7 a.m., ayon sa ulat ng PAGASA.
May dala itong lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong papalo ng hanggang 55 kilometro kada oras sa ngayon.
Posibleng sagasaan nito direkta ang Davao Oriental o Surigao del Sur sa susunod na 12 oras habang kumikilos ito pakanluran hilagangkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
"After crossing Mindanao, the tropical depression is likely to emerge over the Bohol Sea tomorrow early morning, pass close or over Siquijor, and make another landfall over the southern portion of Negros Island," ayon pa sa state weather bureau.
"By tomorrow morning or afternoon, 'VICKY' is likely to emerge of the Sulu Sea."
Tatamaan ng Signal no. 1
Dahil sa paglapit ng sama ng panahon sa lupa, kasalukuyang nakataas ang signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar at makatitim ng lakas ng hangin na aabot sa 30-60 kilometro kada oras sa susunod na 36 oras:
Luzon
- hilaga at gitnang bahagi ng Palawan (Puerto Princesa City, Roxas, San Vicente, Dumaran, Araceli, Taytay, El Nido) kasama ang Calamian, Cuyo at Cagayancillo Islands
Visayas
- katimugang bahagi ng Leyte (Baybay City, Javier, Abuyog, Mahaplag, Inopacan, Hindang, Hilongos, Bato, Matalom, Palompon, Merida, Isabel)
- southern Leyte
- hilaga at timog bahagi ng ng Cebu (Borbon, Tabuelan, Tuburan, Sogod, Catmon, Carmen, Asturias, Danao City, Compostela, Liloan, Consolacion, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Cordoba, Balamban, Cebu City, Talisay City, Toledo City, Minglanilla, Naga City, Pinamungahan, San Fernando, Aloguinsan, Carcar, Barili, Sibonga, Dumanjug, Ronda, Alcantara, Moalboal, Argao, Dalaguete, Badian, Alegria, Alcoy, Boljoon, Oslob, Malabuyoc, Ginatilan, Samboan, Santander) kasama ang Camotes Islands
- Bohol
- Siquijor
- Negros Oriental
- Negros Occidental
- Guimaras
- gitna at timog bahagi ng Iloilo (Ajuy, Barotac Viejo, San Enrique, San Rafael, Passi City, Bingawan, Calinog, Lambunao, Janiuay, Banate, Anilao, Dingle, Duenas, Badiangan, Barotac Nuevo, Zarraga, Pototan, Dumangas, Mina, New Lucena, Santa Barbara, Leganes, Iloilo City, Pavia, Cabatuan, Maasin, Alimodian, San Miguel, Leon, Oton, Tigbauan, Tubungan, Guimbal, Igbaras, Miagao, San Joaquin)
- katimugang parte ng Antique (Valderrama, San Remigio, Sibalom, Hamtic, Tobias Fornier, Anini-Y, Bugasong, Laua-An, Patnongon, San Jose, Belison)
Mindanao
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Davao Oriental
- Davao del Norte
- Davao de Oro
- Davao City
- hilagang bahjagi ng Davao del Sur (Santa Cruz, Digos City, Bansalan, Magsaysay, Matanao, Hagonoy)
- Camiguin
- Bukidnon
- Misamis Oriental
- Misamis Occidental
- Lanao del Norte
- Lanao del Sur
- Maguindanao
- Cotabato City
- North Cotabato
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga Sibugay
- hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte (Baliguian, Gutalac, Kalawit, Labason, Tampilisan, Liloy, Salug, Bacungan, Godod, Sindangan, Siayan, Jose Dalman, Manukan, Sergio Osmena Sr., Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Dipolog City, Polanco, Pinan, Mutia, La Libertad, Dapitan City, Sibutad, Rizal)
Dahil sa pinagsamang epekto ng Tropical Depression Vicky at tail-end ng frontal system, makararanas ng mga katamtaman hanggang malalakas na minsanang matitinding pag-ulan ang Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, southern Leyte, Leyte at Bohol.
Light to moderate at minsanang heavy rains naman ang matitikman ng Kabikulan, timog bahagi ng Quezon, Lanao del Sur, Zamboanga del Norte at nalalabing bahagi ng Visayas, Davao Region at nalalabing bahagi ng northern Mindanao.