MANILA, Philippines — Pinayagan na ni Pangulong Duterte ang pag-arangkada muli ng mga provincial buses.
Subalit nilinaw ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque na tanging point to point na ruta lang ang papayagan kasabay ng gagawing pagpapaluwag pa sa ekonomiya ng bansa.
Ayon pa kay Roque na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng local government units (LGUs) ang pagbabalik ng provincial buses.
Ang Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ang magtatakda at maglalabas ng guidelines tungkol sa kautusan.
Nauna nang sinuspinde ng gobyerno ang lahat ng klase ng transportasyon nang pasimulan ang lockdown noong Marso.
“Point-to-point provincial buses shall be allowed unhampered passage through the different LGUs en route to the LGU of destination,” pahayag ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.