Eddie Garcia Bill hiling maipasa agad sa Senado

MANILA, Philippines — Hinimok ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang mga kasamahang mambabatas sa Senado na maipasa agad ang Eddie Garcial Bill o House Bill No. 7762 na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga mang­gagawa sa telebis­yon, radyo, pelikula at teatro sa bansa.

“Kailangan po natin big-yan ng seguridad ang mga manggagawa sa showbiz maging mga nasa likod ng camera. Mang­gagawa na kailangan masigurado ang health standards para sa kanilang kapakanan,” pahayag ni Romero.

Nauna nang nakapasa sa Kamara sa final at 3rd reading ang panukala ni Romero, na stepson ng yumaong batikan na actor na si Eddie “Manoy” Garcia.

Si Garcia ay naaksidente sa production set habang nagsu-shooting noong Hunyo 8 at nasawi matapos ang 12 araw na pagka-comatose sa paga­mutan.

Ang panukala ay mag-oobliga sa mga employer o producer na magbigay ng employment contract o tamang kontrata sa mga empleyado nito. Bukod dito, magkakaroon din ng benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth at dapat mapabilang sa minimum wage salaries. 

Show comments