^

Bansa

Go: LGUs na sinalanta ni ‘Ulysses’, dagdagan ang calamity funds

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senator Chris­topher “Bong” Go sa pamahalaan na tulungan ang mga local government units na naapektuhan ng Typhoon Ulysses sa pa­ma­­magitan ng pagdaradag ng pera sa calamity funds na katumbas ng 1% ng Inter­nal Revenue Allotment ng mga ito.

Nauna rito, nagtagum­pay si Go sa kanyang apela sa budget department na dagdagan ang pondo ng mga LGUs na pinadapa ng Super Typhoon Rolly na nanalasa sa maraming lugar sa Luzon, partikular sa Bicol at Timog Katagalugan.

Ayon sa senador, ma­raming LGUs ang natuyuan na ng calamity funds dahil sa hindi inaasahang pandem-ya na idinulot ng COVID-19 na hanggang ngayo’y patuloy na nakaaapekto sa buhay ng maraming Filipino.

Ani Go, malaki ang magagawa ng karagdagang pondo upang mapu­nan ang mga panganga­ilangan ng mga komunidad, lalo’t nabawasan na ang kanilang naunang pondo dahil sa pandemya.

Ipinayo ni Go sa exe­cutive department na pag-aralan ang posibilidad ng kanyang panukala para makabangon ang LGUs, depende sa lawak ng kanilang nasasakupan at sa availability ng pondo.

Samantala, patuloy si Sen. Go sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyo sa San Mateo at Rodriguez, Rizal.

Una na ring personal na binisita ni Go ang dalawang nasabing bayan para alamin ang kalagayan ng mga residente.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na hindi sila titigil ni Pangulong Duterte sa pagtulong sa mga kababayang nasasalanta ng kalamidad  para sila’y muling makabangon.

CALAMITY FUNDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with