^

Bansa

'Mas maraming imported rice' papasok ng bansa sa 2021 dulot ng typhoons

James Relativo - Philstar.com
'Mas maraming imported rice' papasok ng bansa sa 2021 dulot ng typhoons
Litrato ng mga lubog na kabahayan sa probinsya ng Cagayan dahil sa Typhoon Ulysses, ika-14 ng Nobyembre, 2020
AFP/Handout /Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Hindi nagustuhan ng mga militanteng magsasaka ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na lakihan ang importasyon ng bigas kasunod ng pananalasa ng tatlong sunud-sunod na bagyong bumayo sa kapuluan ng Luzon nitong nagdaang buwan lamang.

Ito ang itinutulak ngayon ni Agriculture Secretary William Dar, Huwebes, matapos aniya magdulot ng P12.3 bilyong pinsala sa mga pananim ang Typhoon Quinta, Super Typhoon Rolly at Typhoon Ulysses — bagay na 39.2% na raw ng sektor.

"Presently, we can say that about eight days of rice consumption had been damaged and with our inventory, we still have 82 days to last, so marami po tayong bigas sa bansa," wika ni Dar sa panayam ng ANC kanina.

Tinutukoy niya ang nalalabing nakaimbak na bigas sa National Food Authority (NFA), mga kabahayan at pribadong sektor simula ika-1 ng Enero, 2021.

Rice sufficiency, hindi pa maaabot

Plano sana targetin ng gobyerno ang 93% rice sufficiency sa darating na taon. Gayunpaman, hindi na raw 'yan maaabot dahil sa pananalasa ng mga sama ng panahon — dahilan para bumaba ito sa 89-90%.

"Yes, that’s a given because we are not able to produce 100 percent yet," ani Dar, habang ipinaliliwanag na kakailanganing iangkat ang nalalabing 10-11% deficit.

Plano ngayon ng ahensya na magbigay ng insurance indemnification — o danyos perwisyos — sa mga apektadong na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P15,000.

Dagdag pa niya, posibleng magsimula uli ang malawakang pagtatanim sa ikalawang linggo ng Disyembre kung wala nang papasok pang bagyo ngayong 2020.

Gayunpaman, una nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng tatlong bagyo pa ang pumasok sa Pilipinas bago matapos ang 2020.

'Ayuda, hindi importasyon'

Kinastigo naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang plano ng DA na magpasok ng mas maraming dayuhang bigas, bagay na dati na nilang iniuugnay sa pagbagsak ng presyo ng palay simula nang tumindi ang importasyon sa pagpapasa ng ang Rice Tarrification Law.

Sinasabing umabot ito sa P8 kada kilo noong Setyembre 2019.

Basahin: ‘P8 palay price not an exaggeration’

"Ang dapat gawin ng gobyerno, sa halip na importasyon, dapat ayudahan ang lokal na produksyon ng palay at tulungang makabangon ang mga magsasakang nasalanta," sabi ni Rafael Mariano, chairperson emeritus ng KMP, sa panayam ng PSN.

"Anuman ang sinasabing projected shortfall sa production, hindi dapat gawing justification ito para sa dagdag na importation."

Hindi naman daw kasi NFA ang nag-iimport kung hindi ang pribadong traders at importers: "Bakit ang gobyerno ang nagiging tagapagsalita ng pribadong sektors?" tanong pa ni Mariano.

"Ikalawa, napakarami nang inaprubahan na sanitary at phytosanitary permits ng BPI mula 2019. Nagamit na ba lahat ito?"

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

QUINTA

ROLLY

TYPHOON

ULYSSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with