MANILA, Philippines — Bago sumalpok sa kalupaan mamaya, tinatayang lalakas pa ang bagyong "Pepito," habang nanganganib ang baybayin ng Aurora-Isabela na direktang ragasain nito, pagbabalita ng state weather bureau, Martes.
Bandang 1 p.m. nang mamataan ang Tropical Storm Pepito 195 kilometro silangan ng Baler, Aurora habang may dala naman itong hangin na may lakas na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna.
May bugso itong aabot sa 85 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
"'PEPITO' is forecast to make landfall over the coast of Aurora-Isabela area between 7:00 and 11:00 PM today," ayon sa pinakabagong ulat ng PAGASA.
"It will then cross the Luzon landmass, and emerge over the West Philippine Sea tomorrow morning. This tropical cyclone may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) on Thursday morning."
Ang naturang bagyo ay tropical depression lang kanina at inaasahang Huwebes pa sana magiging tropical storm.
Dahil diyan, nakataas tuloy ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- La Union
- Pangasinan
- Ifugao
- Benguet
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Aurora
- katimugang bahagi ng Isabela (Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Echague, San Agustin, Jones, Santiago City, Cordon)
- katimugang bahagi ng Ilocos Sur (Sugpon, Alilem, Tagudin)
- hilagang bahagi ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Botolan, Cabangan)
- hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar) including Polillo Islands
"Today, 'PEPITO' will bring moderate to heavy rains over Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, and Benguet," patuloy ng state weather bureau.
"Light to moderate with at times heavy rains will be experienced over Metro Manila and the rest of Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, and Bangsamoro."
Mararanasan ang mga hanging mula 61 hanggang 120 kilometro kada oras sa susunod na 36 na oras sa mga lugar na nasa signal no. 2.
Samantala, signal no. 1 naman ang umiiral sa:
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Bulacan
- Pampanga
- Bataan
- Metro Manila
- Rizal
- hilagang bahagi ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Vinzons)
- Catanduanes
- nalalabing bahagi ng Quezon (Infanta, Real)
- nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
- nalalabing bahagi ng Isabela
- nalalabing bahagi ng Zambales
Mararanasan ang mga hanging mula 30 hanggang 60 kilometro kada oras sa susunod na 36 na oras sa mga lugar na nasa signal no. 2.
Samantala, meron pang isang binabantayang tropical depression malapit sa PAR sa layong 1,735 kilometro silangang hilagang-silangan ng dulong hilagang Luzon.
Meron itong maximum sustained wins na 45 kilometro kada oras at bugsong papalo ng 55 kilometro kada oras.
"It is moving north-northwestward at 15 km/h. This disturbance is less likely to enter the PAR," sambit ng PAGASA. — James Relativo